Chapter 25 Surprisingly, nakatulog nang mahimbing si Grace. At maaga rin siyang nagising. Bahagya pa siyang nagulat nang maramdaman ang bigat na nakapatong sa baywang at hita niya. Dahil nakalapat ang mukha niya sa malapad at matigas na dibdib ni Vincent, ramdam niya ang mabining pagtaas at pagbaba ng dibdib nito. Mukhang tulog pa. Maingat niyang inalis ang braso nito sa kanyang katawan at iniangat ang sarili para matunghayan ang mukha nito. Napangiti siya nang mahuling nakanganga pa ito, habang bahagyang nag sasalubong ang kilay. Hinaplos niya iyon. He stirred. Agad niyang binawi ang kamay at napansin ang pag-ilaw ng cellphone niya sa side table. Tuluyang bumangon si Grace. Dinampot niya ang cellphone at saka maingat ang hakbang na tinungo ang pintuan. Nang makalabas ay saka niya la

