ALLY’s POV MAAGA pa lang bihis na bihis na ako. Around ten a.m ang schedule ko kay Atty Sañez mamaya. Pumasok ako sa kwarto nina mommy at daddy. Maayos pa rin iyon. Same smell walang pinagbago. Bumigat agad ang dibdib ko. Miss na miss ko na sila. Mommy, please give me sign. Hindi ko na yata kakayanin ito. Mahinang usal ko. Kinuha ko ang kwadro ng litrato niya. She looks exactly like me. Her lips, nose, eyes, and the shape of her face. Mapakla akong ngumiti. Tumulo ang luha ko. “I miss you, Mommy. I wish you had never left me.” Mahigpit kong niyakap ang picture frame niya. Guilt at pagsisisi ang nararamdaman ko. Ang dami kong what if. Sana sinunod ko na lang sila. Ang daming sana na hanggang sana na lang. Wala nang katuparan ang lahat ng iyon. “Hija, bumaba kana, para kumain.” Napal

