ALLY’s POV PAHIMAS-HIMAS ako sa aking tiyan, nakatingin ako kay Conrado na natutulog sa tabi ko, dinig ko ang mahihinang hilik dahil sa pagod sa kamara at uuwi pa siya dito sa Cavite para alagaan ako. Kagat labi kong tiniis ang sakit, alam kong kabuwanan ko na pero, gusto ko sana sa umaga na lang. Ilang beses akong bumuga ng hangin para kahit paano mabawasan ang sakit. Parang kinakalikot ang tiyan ko sa sakit. Napakapit ako sa akin tiyan. “Baby baka pwede mamaya na lang, kakatulog lang ni Daddy eh,” mahinang usal ko sa aking tiyan. Napapangiwi ako sa sobrang sakit at sa tindi ng paghilab. Tumutulo na ang luha ko. “Baby doll are you, alright? Papungas-pungas na tanong ni Ninong Conrad sa akin. Iling ako nang iling. “Ang sakit na ng tiyan ko, Ninong, manganganak na ata ako.” “What?” Tu

