ALLY’s POV UMUWI na kami siyempre hindi pahuhuli ang mga kaibigan ni Ninong Conrad nag imbita si Darian sa bahay niya kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumama. Sina Lucas at Daddy Nestor, uuwi na daw sa Alaminos dahil may kausap itong kapwa negosyante sa rice miller business. Gusto pa sanang pigilan pero wala na ako magawa dahil mapilit siyang umuwi. Nasa hapagkainina kami at lahat ay nagkakasiyahan. Hinawakan ni Ninong Conrad ang kamay ko sa ilalim ng mesa. “Alam mo, baby doll, ito yung pinaka-masaya kong gabi pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin. Walang hearing, walang pulis, walang press tayo lang, mga taong mahal natin.” “Oo nga, Ninong… dito ko naisip na ang kasal natin, hindi lang pala tungkol sa atin. Tungkol din sa lahat ng kasama natin dito ngayon.” Humalik pa siya sa n

