ALLY’s POV Nasa isang quaint café kami sa Tagaytay, may overview ng Taal. Katatapos lang naming magkape ni Claudia matapos ang ocular visit sa St. Frances Church, na plano naming gawing ceremony venue. “Besh, gusto ko ‘yung simbahan na parang fairy tale, pero hindi rin OA perpek na perpek sa dream wedding mo. Sakto-saktong ang St. Francis, simple pero solemn, tapos may garden. Hindi ‘yong cathedral na parang mapipilitang magpakabait lahat ng guests!” gigil kong paliwanag kay Claudia. Tumawa pa siya na kilig na kilig at sobrang excited na akala mo siya ang ikakasal. Napailing na lang ako. “Ikaw ba kailan ka magpa—” Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin. “Tang ina naman bes, bakit naman sa akin napunta ang usapan ha! Kasal mo ito kaya dapat

