ALLY’s POV PARA AKONG nauupos na kandila. Unti-unting nawalan nang lakas ang mga tuhod ko. Para akong batang sanggol na naka pangkuko sa sahig at umiiyak. I cried my heart out. Nagkamali ako nang pagkilala kay Stefan. He is the expert in manipulation. Alam niya kung nasaan si Lucas. Alam ba ito ng daddy ko? Paano ko hahanapin ang kapatid ko? Naka burol pa si Mommy. Bakit ba sunod-sunod ang problema ko. Nang wala na akong mailuluha pa umupo ako. Yakap-yakap ko ang aking tuhod. Naka tingin lang sa kawalan. “Miss Dela Merced, anong ginagawa niya diyan sa sahig?” Napatingin ako sa secretary ni Stefan na si Vina. Pinukol ko siya ng masamang tingin, nang akma niya akong tutulungan patayo, marahas kong iniwas ang kamay ko sa kanya. Itinulak siya at napasalampak ito sa sahig. “Don’t touch

