ALLY’s POV
“Mauuna na ako sayo beshy, may sundo kana eh.” Sabay tulak ni Claudia sa akin. Kaya naman pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Pero ngisi lang ang sagot niya sa akin.
Ilang minuto rin kaming nakatayo. Hindi ko alam ang ikikilos ko sa harapan ni Ninong Conrad.
“Gusto mo mag snack muna? Bago kita ihatid pauwi?” Tanong niya. Napayuko ako. Nahiya ako bigla.
“M—may sundo po, kasi ako, Ninong.” Sabay tingin ko sa gawi ng sasakyan na naghihintay sa akin.
“Wait.” Mabilis siyang humakbang papalapit kay Mang Ernesto. Gusto kong siyang tanggihan pero may isang boses sa utak ko ang pilit na sumisigaw. Gow! This is it!
Kita ko ang pag kaway ni Mang Ernesto sa akin, alangan akong kumaway pabalik. Napatanga na lang ako habang pabalik sa pwesto ko si Ninong.
Nasundan ko ang bawat hakbang niya na akala mo Greek-God na bumaba sa lupa at papalapit sa akin. Ang aliwalas ng mukha niya at lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.
“Ready?” Tanong niya.
“O—opo,” alangang sagot ko at tumango. Kinuha niya ang helmet sa nakaparadang Ducati motorbike niya at isinuot sa akin.
“Ang tangkad mo na ah, inaanak,” komento nito. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Fresh mint at ang kanyang after shaved cologne.
Napatingala ako sa kanya, at nagtama ang aming mga mata. Ang daming emosyon akong nakikita pero ni isa doon hindi ko man lang mapangalanan.
Napakagat ako ng aking pang ibabang labi. Hindi ko matagalan ang titig na iyon.
“Don’t,” paos na sabi niya.
“Huh?”
“You have no idea how sexy and hot doing that,” makahulugang sabi niya.
“Ang alin po?” inosenteng tanong ko.
“Biting your lips before my eyes.” Gumapang ang hinlalaki niya sa labi ko. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
“T—tara na po!” Aya ko sa kanya. Ramdam ko ang pag garalgal ng boses ko, at pangangatal ng kamay ko.
Hindi nakaligtas sa akin ang mahinang tawa niya. Napangiti ako kahit papano. Sumampa na siya sa motor niya at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
Nang ipatong ko ang aking kamay sa malaking palad niya, bahagya niyang pinisil iyon at ramdam ko ang bolta-boltaheng kuryente na gumapang sa aking buong katawan na siyang ikinapula ng aking mukha.
“Ready?” Tanong niya.
“O—opo,” nauutal kong sagot.
“I guess you're not.” Agarang sagot niya.
“Ready na po.” Tugon ko.
“Encircle your arms around my waist baka mahulog ka.” Napakagat ako ng aking lower lip.
“Ah, Ninong okay na sa balikat niyo na lang po,” saad ko.
“Why? Dati nga kumandong ka pa sa akin, dati nga sumisiksik ka sa akin? Dati ayaw mo na bumitaw?” Natatawang paalala niya sa akin.
Napaingos ako, dahil sa pag remind niya sa akin years ago. “Noon kasi iyong Nong, ngayon malaki na ako.” Sagot ko dito.
“Sus! Ikaw pa rin naman ang Ally ko noon, tumangkad ka lang.” Panunukso niya sa akin at umandar na siya. Pero ilang segundo lang ay nag preno ito kaya napayakap ako!
“Nong!” Malakas na sigaw ko.
“I told you so!”
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero, ang way na tinatahak niya ay papuntang Tagaytay. Hindi ko na tinanggal ang pagpulupot ng braso ko sa bewang niya. Tahimik kaming dalawa.
Ilang minuto rin ang byahe namin ng pumasok kami sa isang private café, THE ANOTINIA’S. Pinarada niya ang motor niya sa napakalawak na parking area.
Napakunot ang noo dahil empty iyon at imposible. “I rented the place for us.” Sabi ni Ninong pagkababa ko.
Agad niyang hinubad ang helmet ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaawang ang bibig dahil sa sinabi niya.
“You rented the whole place, ninong?” Paninigurong tanong ko. Nakangiti siyang tumango.
“Yes, para masolo ko kita, para hindi ka ma-conscious sa akin at walang ibang titingin sayo ako lang.” Grabeng kilig ito! Parang napawi ang lahat ng tampo ko sa isang hokage move niya!
Agad pumulupot ang braso niya sa bewang ko, at inakay ako papasok sa loob. Agad sumalubong sa amin ang may ari mismo ng café. Napayuko ako sa hiya.
Nag brotherly hug pa sila at winelcome kami ni Ninong papasok. Walang katao-tao sa lugar. Maliban sa tatlong staff na nakatayo sa counter.
Binati nila kami at yumukod. “Nice to finally meet you, Ally, I heard a lot about you.” Sabi ng may ari.
“Po?” Iyon lang naisagot.
“Yes, I better leave before I lose everything!” Pabirong sabi niya nito at nagpaalam kay Ninong. Namula naman ang pisngi ko. Hindi ko nakuha ang pangalan niya.
Kasing tangkad sila ni Ninong, at moreno at singkit ang mata. Parang pinaghalong Chinese American ang hitsura niya.
Pinaghila ako ni Ninong nang upuan at bago ito umupo sa katapat ko. “Are you okay, Ally?”
Tumango ako. “Opo, Ninong.” Maagap kong sagot mataman niya akong tinitigan pero hindi naman siya nagsalita.
Hanggang sa itinaas niya na lang ang kamay niya sa ere. Iginala ko ang aking mga mata sa buong paligid. Ito ang unang pagkakataon makapasok ako sa ganito ka eksklusibong lugar. Kahit galit ako sa buena-familia. Hindi ako dinadala nina daddy at mommy dito.
Nababasa ko lang itong lugar na ito sa magazine. Naka ilang beses na kasi itong na-feature sa kilalang magasin sa bansa at walang pinagkaiba ang detalyadong pag describe niya kung gaano ka ganda at classy ang lugar.
Ang aliwalas, maraming natural light na pumapasok sa café at ang ganda ng table at chair pa lang nila Halatang mamahalin na.
Napaawang ang aking bibig ng inilapag ng waitress ang order ni Ninong. Kobe beef tacos, at affogato para sa aming coffee.
“Enjoy your food sir, ma’am,” anang waitress at umalis na.
“Kailan ang 18th birthday mo, Ally?” Tanong ni Ninong pagkasubo niya ng tacos.
“Sa makalawa po, kasabay ng graduation ko.” Sagot ko sa kanya, pero hindi ko magawang umangat ng tingin.
“Ang dami ko na pa lang utang sayo ah, birthdays and graduations.” Napataas ang kilay ko. Oo nga! Parang hindi ako nag eexist sayo eh… Gusto ko sanang sabihin pero mas pinili kong itikom ang bibig ko at inubos ang pagkain ko.
“How’s the food?” Tanong niya.
“Masarap po.” Magalang kong sagot, sa pagkakataong ito tumingin na ako sa kanya. His eyes were very expressive yet mysterious. Hindi mo mahuhulaan ang takbo ng isip niya.
“I am sorry.” Hingi niya nang tawad. Hindi ko alam kung para iyon sa pag iwan niya sa akin noon o sa lahat ng atraso niya.
“Sorry po saan?” Pabalik kong tanong.
“For everything.” Tumango na lang ako. Parang may pinong kirot sa puso ko. Bata pa lang ako I have this secret infatuation. Ilang beses ko man i-deny sa sarili ko, pero ngayon mas lalo pa atang lumalim ang pag hangang iyon.
“Kalimutan niyo na po iyon. I lived.” Matabang kong sagot.
“Hindi kana ba nagtatampo sa ninong?” Makulit niyang tanong. Napatingin ako sa kamay ko kung saan niya ipinatong ang kamay niya. Ramdam ko ang init noon. Bagong pakiramdam, feeling ko safe ako sa kanya.
Natapos kaming kumain at hindi ko na sinagot ang tanong niya kanina. Walang may bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
Basang-basa na ang palad ko sa pawis dahil nerbyos. “I know your hands are sweaty, I don’t care.” Tila nabasa niya ang laman ng isip ko.
Kaya naman tinanggap ang kamay niya. Iginiya niya ako sa kabilang pintuan. Lalo lumakas ang dagundong ng puso ko. Sa hindi ko alam na dahilan, siguro dahil katabi ko si Ninong.
Sobrang tagal na panahon akong nangulila, at hinanap siya. Sinubukang tawagan o kahit anong komunikasyon mula sa kanya, lahat iyon wala.
“Bakit ngayon lang?” Mahinang tanong ko na ikinatigil niya at hinarap ako.
“May mga bagay noon na hindi ko kayang ipaliwanag at masyado ka pang bata noon para maintindihan mo.” Simpleng paliwanag niya.
“So, ngayon pwede na? Kaya ka ba bumalik ninong? Para magpaliwanag?” Para akong naiiyak. Nalulunod ako sa aking sariling emosyon.
“Will talk about that later. I just wanna show you something.” Gusto kong pilitin pa siya pero, excitement ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Pati ako na excite na rin kaya nagpahila na lang ako sa kanya. Huminto kami sa isang enclosed gazebo.
“Relax,” pagpapakalmang sabi niya. Pero instead na kumalma ako lalo niya lang akong kinabahan.
Pagpihit niya ng seradura bumulaga sa akin ang mala disco light na gazebo. May arkong 18th happy birthday and happy graduation day, napapalibutan ng mga iba’t-ibang dekorasyon, balloons, rose petals at nasa gitna ang pangalan ko. Allaina Yvette…
“N—ninong?” Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
After all these years, alam na alam niya paano palambutin ang batang puso ko.
“Happy birthday, Ally.” Niyakap niya ako. Humagulgol na ako ng iyak.
Naninikip na rin ang dibdib ko. Pinagsusuntok-suntok ko ang likod niya habang nakayakap sa kanya at umiiyak.
“I miss you so much, Ninong! I hate you for leaving me!” Hindi ko napigilan ang damdamin ko.
“I know! I know! And I am sorry Ally; you have no idea.” Kumalas ako ng yakap.
“Ang alin ninong?” tumingala ako sa kanya. Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. Lumapat ang labi niya sa akin noo.
“Come, let’s open your gifts. Ang dami ng utang ni Ninong sayo eh.” Hinala niya ako pinaupo niya ako sa mahabang table na punong-puno ng mga regalo.
“Lahat po ba sa akin ito?”
“Yes, sayo lahat iyan. For my Ally,” Sagot niya na may kasamang ngiti.
“Ang dami naman po ninong. Kahit nga wala, basta nakita ko lang kayo. Okay na ako.” Komento ko pa.
“Talaga kahit walang gifts? Eh bakit sabi mo kanina, nagtatampo ang Ally ko?” Pinisil pa niya ang ilong ko na madalas niyang gawin simula noong bata pa ako.
“Eh ikaw naman kasi Ninong, eh. Paano naman ako hindi magagalit sayo eh basta ka na lang naglaho na parang bula! As if hindi mo man lang ako namimiss o hindi ako nag eexist!” Pagtataray ko sa kanya. Kaya another pisil na naman sa ilong ang natanggap ko.
“Ang cute-cute mo talaga!” Natatawang sabi nito. Isinabit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tainga.
“There! You look even prettier.” Papuring komento niya na ikinapula na naman ng aking pisngi.
“Ninong!”
“What? Totoo naman ah, lalo kang gumanda ngayon. Dalagang-dalaga kana.” Dagdag pa niya. At inabot sa akin ang isang box ng gift.
“Ano po ito?”
“A gift siyempre para sa inaanak ko. Come on open it.” Isang parihaba na box iyon na kulay pula.
Tinanggal ko ang ribbon ay dahan-dahan binuksan ang kahon. Pag angat ko tumambad sa akin ang emerald bracelet.
Napaawang ang bibig ko sa sobrang ganda. “Ang ganda-ganda naman nito Ninong. Sigurado ako mamahalin ito!” Bulalas kong komento.
“There is no amount of money, Ally ang makaka higit sayo.” Namula na naman ang pisngi ko.
“Kailan pa kayo naging bolero ninong?” Umiwas ako ng tingin.
Nabuksan na namin ang lahat ng birthday gifts niya pati na rin ang recognition gifts ko na wala siya. Sa sobrang dami hindi ko alam paano bubuhatin. May set ng mamahaling necklace, earrings and ring. May relo, at bracelet na lahat mamahalin.
Wala akong matulak kabigin. Wala na ang mamahaling barbie dolls, napalitan iyon ng mga luxurious gifts you name it meron, from signature bags, shoes, clothes, shades and make up meron din.
“Sobrang dami talaga nito Ninong paano ko naman ito madadala lahat aber?” Bumaba ako sa mesa at pinamewangan siya.
“Don’t worry inaanak ipapahatid ko iyan sa driver bukas. And lastly this is for you.” Sabay angat ng chocolate na paborito ko.
“Wow, Arabian Chocolate! My favorites! Hindi niyo nakalimutan!” tumalon-talon pa ako sa sobrang tuwa.
“Hey! Hey! Easy young lady. Walang aagaw niyan sayo.” Natawang saway niya sa akin.
*****
Parang hindi ako makapaniwala. After all those years inipon ni Ninong ang regalo niya sa akin. Pabalik na kami ng bahay.
Nakayapos na ako sa bewang niya, at nakapatong ang pisngi ko sa malapad na likod niya habang naka pikit.
Ang sarap namnamin ang moments naming dalawa na parang walang nangyari. Hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay at huminto siya.
“Ayaw niyo pong pumasok sa loob nitong?” Tanong ko dito, pagkababa ko.
“Next time na lang siguro Ally,” sagot niya at tinanggal niya ang helmet ko at helmet niya. Magkaharap kaming dalawa.
“Thank you, Ninong! Sobrang namiss ko po kayo.” Niyakap ko siya ng walang kiyeme at sobrang higpit. Natatakot ako na baka ito na naman ang huling araw na makita ko siya.
“I miss you more!” Niyakap niya rin ako. Dinig na dinig ko ang lakas ng t***k ng puso niya. Ramdam ko ang paglapat ng labi niya sa ulo ko.
“Sige na pasok kana…” Kumalas na siya sa akin kahit ayoko pa sana. Pero wala na akong nagawa.
“Bye ninong! Salamat po.” Tumingkayad ako para gawaran siya ng halik sa pisngi ngunit, dumaplis iyon sa gilid ng labi niya. Oh s**t!