JAVIER’s POV “Ma, please payagan niyo na akong mag-intern kay Tito Caspian. I will learn a lot from him.” Ramdam ko na ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ilang beses ko nang inulit ‘to, pero gaya ng dati deadma lang siya. Napanghihinaan na ako ng loob. Hawak ko ang aking application folder. Pawis na pawis ang palad ko kahit aircon ang opisina nito. Gusto ko na ngang balibagin ang swivel chair ko sa frustration eh. Pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang bastusin si Mama. Kahit sa sobrang inis dahil ni isang sulyap wala. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nisang segundo Inayos lang niya ‘yung pearl earring niya, tapos tuloy sa pagsusuri ng papers na nasa harapan niya. Walang emotion. Walang reaksyon. “Tigilan mo ako, Javier. I said no.” Isang sentence, pero parang may kalakip hiw

