ALLY’s POV
“Ninong?” Nagsalpukan ang kilay ko.
Ngumiti siya sa akin. Napatingin ako sa mga mata niya. I was wondering bakit siya nandito?
“Tapos na ba ang practice niyo?” Tanong nito.
Lumingon-lingon ako sa buong paligid, isa-isa nang umalis ang lahat. Napatingin ako kay Philip. May bahid na lungkot sa mga mata niya. Si Claudia naman ngising nakakainis.
“Ah—opo ata.” Hindi siguradong sagot ko.
“I brought my car, naroon ang mga regalo ko sayo. Gusto mo bang umuwi na o snacks?” Tanong niya sa akin.
“Pwede ba silang sumama po?”
“Yes, of course,” maagap na sagot ni Ninong.
“Tara guys, join na kayo sa amin.” Mabilis isinukbit ni Claudia ang kamay niya sa braso ko.
“Philip, tara?” Aya ko dito nang malingunan kong hindi man lang ito kumilos. Kita ko pa ang pagkamot ng batok niya.
Nang makalabas na kami sa gate, pinagbuksan ako ni Ninong ng pintuan sa passenger seat, at sina Philip at Claudia naman magkatabi sa back seat.
“Besh saan tayo pupunta?” Tinusok niya ang likod kaya napalingon ako sa kanya.
“Ewan ko,” sagot ko at kumibit balikat ako. Wala akong idea talaga kung saan kami pupunta. Bahala na. Basta Kasama si ninong oks na.
Hanggang makapasok si Ninong Conrad sa driver seat. Tahimik kaming apat sa loob ng sasakyan.
“Seatbelt Ally.” Sabay lapit ni ninong sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Para akong naparalisa sa aking kinauupuan.
Uminit ang mukha ko. Mariin akong pumikit. “There!” Dinig kong sabi ni Ninong. Para akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko namalayan na nahigit ko ang aking paghinga dahil sa sobrang lapit ng pisngi niya sa labi ko.
“Ang shala ng kotse niyo sir Conrad, saan po tayo pupunta?” Na amaze na tanong ni Claudia.
“Sa paboritong place ni Ally.” Simpleng sagot ni Ninong na ikinalaki ng mga mata ko.
“Talaga Ninong?” Hindi ako makapaniwala sa sagot niya.
“Yes, ang dami ko ba namang atraso sayo, ito man lang makabawi ako.” Dagdag pa niya. Lalong kinilig ang pekpek ko este puso ko.
Napakagat labi na lang ako. High in the Sky, ito ang bansag sa people’s park. Tahimik lang ang dalawa sa likod pero tanaw ko sa mirror na ngiting-ngiti pa rin si Claudia.
Kaya ibinaling ko na lang ang aking mga mata sa nadadaanan namin. Baka umirit pa siya, mabubuking pa ako ni Ninong.
Nang paahon na ang sasakyan at kita ko na ang malaking tore na akala mo castle ng isang prinsesa. Puno ng excitement ang puso ko. Sobrang tagal na panahon na noong huling punta ko rito. Si Ninong rin ang nagdala sa akin dito.
“Wow lalong gumanda!” Bulalas ko. Hindi ko na hinintay si Ninong na pagbuksan ako ng pintuan. Hindi na kaligtas ang pag iling niya.
“Besh ang ganda nga dito!” Pagsaang ayon ni Claudia.
“Diba sabi ko sayo?”
“Yay! Wala ka kaya sinabi? Kailan naman iyon?” Tinusok-tusok ko ang noo niya.
“Ang bilis mo talagang makalimot! Diyan ka nga!” Nagmartsa ako palayo sa kanila. Hindi ko alam na kasunod ko pala si Ninong.
Mabilis akong pumasok sa gitna ng pineapple statue. Hindi ko mapigilan ang saya ko. Parang nag travel back ako in time when I was twelve.
“Ninong!” Parang bata kong sigaw.
“Ally careful,” ramdam ko ang mabilis na pagpulupot ng braso niya sa maliit kong bewang.
Parang tumigil ang pag inog ng mundo ko, nang sinalo ako ng matigas na bisig ni Ninong Conrad. Ang mga nangungusap niyang mga mata. Ang mapupulang labi niya. Kita ko ang paglalim ng Adam’s apple niya.
Nasundan ko ang tingin ang mga mata niya nakatitig sa nakaawang kong bibig at napakagat ako do’n.
“Don’t,” saway niya sa mahinang boses na tila namamaos.
“S—sorry, Ninong.” Agad akong umayos ng tayo.
“Besh! Ang daya mo naman bakit mo kami iniwan!” Tampong reklamo ni Claudia. Si Philip nakamasid lang. Tahimik pero there is something in his eyes. Sa tuwing nakatingin siya sa amin ni ninong.
“Ang bagal mo kasing maglakad!” Pang babara ko sa kanya.
“Ay h’wag mo ako sisimulan Allaina Yvette makikita mo!” Banta niya. Wala pa naman preno ang bibig ni Claudia. Kapag ganoon na ang tono ng boses niya.
“Claudia!”
“Enough you two.” Saway ni Ninong. Kaya hinila ko na si Claudia palapit sa Doppler Weather Radar. Napatingala ako sa sobrang taas noon.
“Ikaw h’wag mo akong ibubuking bruha ka! Itatakwil talaga kita!” Mariing banta ko sa kanya sabay kurot ng tagiliran nito!
“Oo na!”
“Ang ganda no?” Hindi ko namalayan si Ninong na nasa tabi ko na siya. Pareho kami ng tinitingnan na direksyon.
Ang malawak, at napakagandang view ng Taal Lake. Ang ganda ng history nito. Hindi ako magsasawang basahin ng paulit-ulit kung paano naghiwalay ang tubig dagat at tabang.
“I’m glad you still like it here,” ani ni Ninong at ipinatong ang kamay niya sa balikat. Napatingin ako doon. Para akong tuod na biglang nanigas ang buong katawan ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko.
“Siyempre Ninong. Ito ang isa sa paborito kong lugar!” Lalo akong dumikit sa kanya. Ramdam ko ang init ng katawan naming dalawa. Yumakap ako sa bewang niya.
He looked at me and smiled. “This is my favorite place, too.”
Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti at tumingin sa mga mata niya. Sana date na lang ito. Sana hindi na matapos ang moment na ito.
Pinuno ko ng sariwang hangin ang baga ko, kumalas kay Ninong at itinaas ko ang aking mga kamay sa ere at sumigaw!
“Hello!!!!” Umi-echo ang boses ko sa buong kalawakan.
“Hi!” Sagot ni Ninong na ikinalingon ko bigla sa gilid ko!
“Ninong!”
“What? Nag hello ka siyempre may sasagot ng Hi. Ako iyon?” birong sagot niya. Nagkulay kamatis ang face ko.
“Beautiful!” Sabay kurot ng ilong ko. Na madalas niyang gawin noon pa. Umingos ako sa kanya.
Sa sobrang pagod ko kakalibot sa buong lugar. Hindi pa rin talaga nakakasawa dito. Lalo na ang panoramic view ng lugar. Ang clear ng langit. Buti hapon na at hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw. Kahit may araw, malamig pa rin ang simoy ng hangin.
Tahimik lang si Philip, para akong may bodyguard sa inaasta niya.
“Ang killjoy mo naman,” sita ko sa kanya. Ngumiti siya.
“Hindi naman, masaya naman akong makita kang masaya at nag eenjoy,” tugon niya. Nakatingin siya kay Ninong na may kausap sa telepono.
“Oh, masaya pala bakit ang tahimik mo?” Tanong ko. Nakatingin ako kay Claudia na panay ang kuha niya ng selfie at ang background niya ay Taal Lake.
“Ayoko kasi istorbohin ang moment mo, ang ganda at ang saya mo.” Dagdag pa niya. Napatampal tuloy ako sa balikat niya.
“Bolero!”
“Tara na?” Aya ni Ninong pagkabalik niya.
“Tara na po, gutom na po ako. Pwede po ba tayo pumunta sa Mahogany? Masarap po kasi ang bulalo doon. Tsaka ang kanilang crispy tawilis!” Excited kong sabi sa ninong. Tumango naman siya at ngumiti.
Nang makarating kami sa Mahogany Market and Bulalohan amoy na amoy ko na agad ang aroma ng sabaw ng bulalo. Grabe amoy pa lang nakakagutom na.
“Let’s go Ninong! Kina aling Sonias tayo kakain!” Mabilis kong hinila ang kamay niya. Pinagsiklop niya iyon kaya nakaramdam ako ng kakaibang init na nanalaytay sa aking buong katawan! Gosh! Tukso!
“Welcome ma’am/sir sa Sonya’s Bulalohan!” Bati agad ng waitress sa amin.
Ngumiti ako ng ubod tamis. Mabilis akong nagsabi ng order ko. Inilista naman iyon ng waitress. Siyempre hindi mawawala ang special bulalo at friend crispy tawilis.
Nag order si Claudia ng kalderetang baka at ox tail kare-kare. Si Philip naman nag order ng Goto lipa. Ilang minuto pa ay na sinerve na ni Ateng waitress ang order namin.
Takam na takam na ako. Nanunubig na ang aking bagang. May kandila pa siyang nilagay sa heating pot. Kahit sobrang umusok na ang sabaw.
“Galit-galit muna tayo ha? Paborito ko kasi ito! Dig in!” Aya ko sa kanila at sumandok ng malaking buto ng baka na may utak pa.
“Yum!”
“Careful, Ally hindi ka naman mauubusan!” Sabay pisil ni Ninong sa hita ko. Napakislot ako muntik ko nang mabitawan ang sandok na punong-puno ng sabaw. Alangan akong ngumiti at hindi nagpahalata. Magkatabi kasi kami sa upuan at kaharap namin sina Claudia at Philip na abala na sa pagkain.
Napalunok ako ng wala sa oras ng another pisil pa ang ginawa ni Ninong. s**t!