FLASHBACKS DONYA ROSANA’s POV Malalim na ang gabi, ilang beses akong tumingin sa orasan, na nakasabit sa dingding, sapu-sapu ko ang aking tiyan malapit na akong manganak noon. Sa sobrang kaba, nagpasiya akong sundan si Eduardo. Ang dami kong naririnig na bulong-bulungan na ang kanyang asawa ay may inuuwian nang iba. Dahil sa sobrang pagmamahal ko, at pangarap na buo ang aking pamilya, pilit kong itinatakwil sa isip ko ang aking naririnig. Pero ngayon gabi hindi na pwede! Kailangan kong sundan ang asawa ko na di umano ay nasa “ibang tahanan” daw na naglalagi. Piping dasal ang paulit-ulit kong inuusal! Pilit kong tinatanggi na mali sila na mahal ako ng asawa ko at mahal niya ang ikapitong Distrito ng Cavite bilang Congressman! Pagdating namin sa isang exclusive subdivision, napahawak ak

