Haider * * " Nagluto ako ng sinigang na baboy para may lakas ka mamaya. Humanda ka mamaya papagurin kita." Bulong ng Asawa ko " Hahaha! Talaga lang ha?.." Natatawa na tugon ko Nakaramdam agad ako ng pagkasabik sa magaganap mamaya. Kahit kasi matagal na kami mag-asawa lagi kami sabik sa isat-isa. May mga araw din naman na walang ganap lalo na kung may business trip ako. madalas si Keijo ang nag-iikot sa businesses namin kaya marami kaming oras mag-asawa " Mommy Daddy sa harapan ko pa talaga kayo naglalandian." Inis na Sabi ni Keijo " Maghain kana kunin ko lang ang relyenong bangus. " Nakangiti na utos ko Nakangiti na naglakad ako palabas " Mommy gumawa ako ng Orange juice. " Narinig ko na wika ni Keijo " Salamat anak. Naglagay kana ng plato." Tugon naman ni Stella Napahin

