Trishia Cecilia's POV "Sigurado ka bang kaya mo 'yan mag-isa?" Tanong ko kay Jack na nag-aayos ng mga damit namin sa isang malaking bag. Dalawang araw rin kaming nanatili sa ospital ni Jack at ngayon na ang labas niya. Hindi pa nga siya pinapayagan ng doctor niya na lumabas na siya pero sadyang matigas ang ulo niya at nagpumilit. Pwede naman daw sa bahay na lang siya magpahinga. "Madali lang naman ang magtupi ng damit at mag silid sa loob ng bag, miss madam ko. Hindi mo rin naman ako matutulungan dahil baka imbis na maging maayos ang pagkakalagay, magmukha pang ukay-ukay," natatawang sambit niya. Bakit ba hindi pa natuluyan na masiraan ng ulo si Jack? Para kapag nasiraan na siya ng ulo makaya ko na siyang iwanan, pero syempre hindi ko pa rin talaga kaya. "Pwede mo naman akong turuan p

