Trishia's POV "Wala. Walang iba pero hindi na ikaw" sambit ko. Mas pinili kong magsinungaling sa kanya kesa ang masira ang relasyon niya sa anak niya. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal hanggang ngayon pero hindi na pwede. "Mauna na ko" pagpapa-alam ko sa kanya. "Sanda-" "Trishia! Si Danshia!" hinahingal na sambit ni Francoise Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa pagbanggit ni Francoise sa pangalan ni Danshia, "a-anong n-nangyari?" nauutal na tanong ko. "Tignan mo sa labas" turo niya sa labas ng hotel. Hindi ko na siya inantay at dali-daling tumakbo palabas ng hotel. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyari man na masama kay Danshia. Natatakot ako sa pwede kong makita pero mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko kahit na mataas ang heels na suot ko pero hindi ko

