Matagal na nagising si Lyra dahil buong gabi siyang di makatulog dahil sa nangyari sa kanila ni Greko. Bukod, sa first time niya matalo ay hinalikan pa siya at nilagyan ng tsikinene. Ang nakaka-inis pa ang sarap ng tulog ni Greko samantalang siya naka baluktot sa couch di man lang siya inalok nito kahit isang beses na pumunta sa kama.
"Malamig ba? naka on ba ang aircon ngayon?," tanong ni Gerry.
"Naka off naman po lahat, maaga pa naman po,"saad ni Nanay Ella na nakatayo sa tabi ni Lola Beks.
"O e, bakit naka jacket ka hija? close neck pa,"puna nito sa damit ni Lyra.
Napangiti lang si Greko, pinandilatan ito ni Lyra.
"Oo nga hija, naiinitan nga ako e kaya maaga akong naligo at nag sleeveless na lang,"saad ni Amanda.
"A.. e.. kasi po... para kasi...para akong sisipunin,"palusot niya. "Actually giniginaw po talaga ako, sobra," at kunwari yinakap niya pa ang sarili.
"Kung ganon, wag ka munang pumasok sa trabaho. Baka stress ka na masyado, alam mo why don't you take a leave today and join with me in my yoga class, good for your health yon," suhestiyon ni Lola Beks.
"Ha? a naku! Lola Beks okay lang may tatapusin din po kami kasi ni Rosie, need po ako don kaya ko naman po yong sarili ko, I can manage po. Iinom lang din po ako ng gamot.
"Well if you say so.
"Oo nga pala Ma, this weekend don tayo sa bahay lahat kakain,"yaya ni Amanda.
"E, babalik na ako sa States niyan," saad ni Lola Beks.
Natuwa naman si Lyra sa narinig, ibig sabihin next weekend free na sila ni Greko.
"Cancel your flight po muna. Greg is coming!," masayang anunsiyo ni Amanda.
"Really?," as in high pitch si Lola Beks. "Oh I miss that man! humanda siya sa akin.
Samantala ay natigil sa pagsubo si Lyra sa narinig, bigla siyang na blanko. Lahat ng nandoon ay lumarawan ang tuwa sa mukha maliban kay Greko at sa kanya. Nanlamig siya, hindi niya napaghandaan ang sinabi ni Amanda, mabuti na lang at nakapag jacket na siya.
"I'm not coming!,"deklara ni Greko at mabigat na binitawan nito ang mga kubyertos na ginamit. Then tumayo ito.
"Greko,"pinigilan ito ng ina nito at hinawakan sa kamay. "It's already six years, can't you forgive your brother?,"puno ng pagsusumamo ng ina nito.
"Dalawang tao ang nawala sa akin, " naikuyom pa nito ang kamao dahil sa galit. " And look at him living his life like he has the right to be happy, you can welcome him without me," at tuluyan ng lumisan si Greko sa hapag-kainan.
Ang kaninang masasayang mukha nila ay napalitan ng lungkot at pangamba.
"Hon, do you think maging okay ang lahat sa pagbabalik ni Greg?,"puno ng pag-alala na tanong ni Amanda sa asawa.
"That's our challenge as parents, hindi habang-buhay ay magkagalit sila. let's find a way to keep them together.
"Nalulungkot ako sa mga apo ko,"at tumigil na din sa pagkain si Lola Beks.
Si Lyra naman ay nawalan na din ng gana na kumain.
"I'm sorry po susundan ko lang po si Greko. I'll talk to him po.
"Sige hija, please help us,"malungkot ang ngiti na sabi ni Amanda.
Nadatnan ni Lyra si Greko nakabihis na ito ng pang-opisina. Larawan sa mukha nito ang galit.
"Are you okay?,"mahinang tanong ni Lyra.
"I'm not okay, you know my story with Greg.
"Kahit ako galit din ako sa kanya,"puno ng kahulugan na sabi ni Lyra.
"Thank you for sympathizing with me, I appreciate it," saad ni Greko habang inaayos ang tie nito pero nanginginig ang kamay nito.
Tumayo si Lyra at pinigilan niya ang kamay ni Greko, nagtitigan sila tapos di na lang namalayan ni Lyra ay tumulo na ang luha niya.
"Hey why are you crying? ganon na ba ako ka kaawa-awa?
Pinahid naman agad ni Lyra ang mga luha niya.
"OO,"sagot na lang ni Lyra. "Ako na," at inayos niya ang tie ni Greko. Then niyakap niya ito, mas lalong naguguluhan si Greko.
"You're weird,"saad ni Greko habang magkayakap sila.
"Basta nandito ako lage, para sayo,"saad ni Lyra then kumalas na siya ng yakap.
Naguguluhan pa rin si Greko kaya hindi siya bumitaw ng titigan kay lyra, something is wrong.
"Ano?
"May hindi ka ba sinasabi sa akin bukod sa tomboy ka?
"Walang taguan diba?," at humingos pa si Lyra.
"Yes, kapag may nalaman ako na may tinatago ka sa akin, I will rip our contract and you will pay for it. Wag ka ng maawa at umiyak para sa akin, astig ka dapat lagi!," at ngumiti na si Greko. "Panget mong magdrama.
Napangiti na rin si Lyra.
"Hindi ka ba sasabay sa akin?
"Mauna ka na, mag me-make up pa ako at tsaka hahanap pa ako ng damit para di mahalata to o," at pinakita niya ang hickey sa leeg.
"Malaki pala?," at tumawa ito. Tuwang-tuwa sa kalokohang ginawa.
"Malaki, para ngang bibig ng palaka,e, kaya mauna ka na.
"Okay ingat ka, see you sa office.
"Ikaw din ingat.
Nang makaalis si Greko ay napa-upo si Lyra sa kama at nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa mata niya. Isang masakit at masalimuot na ala-ala na naman ang nanumbalik sa kanya. Pilit niya itong kinalimutan pero hindi niya talaga to matatakasan.
--Flashback--
"You're pregnant?,"hindi makapniwalang tanong ni Greg sa kanya. " Diba lagi akong nag cocondom?
"Pero may mga panahong di ka nag cocondom Greg.
"I don't remember.
"Greg ikaw lang yong boyfriend ko, nagdududa ka ba?
"Lyra I'm not ready for this, look... we're still studying.
"So.. anong ibig mong sabihin? Hindi mo ako pananagutan?
"No, hindi sa ganon, I mean.. it's still a blood can't we just let it go and move on and be more careful next time?
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa mukha ni Greg, hindi ito naka-imik.
"Kung hindi mo to pananagutan, lalapit ako sa pamilya mo.
"Are you crazy?
"Oo baliw na ako! stress na stress na ako dahil sa sitwasyon ko! Hindi ko alam kong paano ko sabihin sa pamilya ko na umaasa sa akin, hindi ko alam kong paano haharapin yong mundo araw-araw, suporta mo yong kailangan ko Greg! Yong ikaw magpapalakas sa akin, sabi mo nong una ikaw ang bahala sa akin, bakit ngayon parang wala kang bayag!," puno ng galit at umiiyak na sabi ni Lyra.
"Look I'm sorry I'm not ready for this," at tumalikod na si Greg.
"Greg!," tawag niya sa boyfriend. "Huwag mo akong iwan dito! Greg!
Para siyang basang sisiw na iniwan ni Greg sa lugar na yon. Ang lugar kung saan plinano nila ang mga pangarap nila. Pero napakasakit dahil doon din pala siya iiwan at bibitawan ng taong minahal niya at pinagkatiwalaan ng puso niya.