"LE... YA..." Sa nanghihinang katawan at nanlalabong paningin dulot ng luha at mainit na dugo na walang humpay na umaagos sa pisngi ni Stefano, pilit niyang inaabot ang girlfriend na nakahandusay ilang metro ang layo sa kaniya. "Ba't broken heart tattooes? SRSLY, Intense emotional pain or losing a loved one 'raw' ang meaning niyan e!" Tila tuksong naglaro sa diwa niya ang nabasa niyang reply na 'yon ng pinsan na kaniyang naging matalik nang kaibigan na si Calix, sa message niya nang i-sent niya rito ang mga tattooes na pinilit ni Leya sa kaniya bago mangyari ang aksidenteng 'yon sa kanila ng kasintahan. "Cool nga nito e. Hindi na tayo bibili ng ring. Forever na 'tong narito kasi. Mas better sa singsing dahil hindi na mabubura. Ito na ang nagpapatunay na ako'y sa'yo na habambuhay, Stef

