ONE MESSAGE RECEIVED FROM Martin Baks: Labas ka d2 now. 'Yon ang nabasa ni Yana na text message ni Martin sa kaniya matapos nitong limang beses na mag- missed calls habang busy siya sa pagluluto kanina. Kailangan niyang matapos na magluto para mamaya paggising ni Stefano ay maglalakad-lakad sila mamaya ulit sa mini garden ng bahay. Sabagay ay patapos naman na rin naman siya sa agahan nila. Pinapakuluan na lang niya ang pork na para sa ulam nila mamayang lunch time ni Stefano. Kailangan nang makalakad ni Stefano. Matindi ang adhikain na 'yon ni Yana para sa kapakanan na rin ng lalaking oo na, mahal na mahal na niya. Kung may taong matutuwa sa muling paglalakad nito ay nadagdag na siya sa mga 'yon. Ah, naalala niya tuloy ang napag-usapan nila tungkol sa parents nito. Sobra ang awa n

