LITERAL na nasilaw ang mga mata ni Stefano nang muli niyang masilayan ang kapaligiran sa labas ng bahay niya. Pattikular ang pribadong ospital na 'yon. Oo, narito na siya ngayon sa harap ng ospital at handa na siyang magpagamot ng kaniyang mukha. Oo rin, mukha lang niya ang ipinunta niya ro'n dahil noong nakaraan na pag-iisa niya sa kuwarto ay mag-isa niyang inilakad ang kaniyang mga paa at kaunti na lang, nararamdaman niya nang kaya na niyang maglakad nang matagal at walang gabay. Nagulat nga ang Aunt Claire niya nang ipakita niya rito na nakakalakad na siya. Naiyak rin 'to sa katuwaan gaya nang ipaalam niya rito na handa na siyang magpagamot. Pero s'yempre, naka- wheelchair pa rin siya ngayon nang magpunta sa ospital na 'yon dahil hindi pa naman hundred percent na kaya niya nang ilak

