Bente Kuwatro (2)

798 Words

TILA huminto ang mundo ni Samara nang makita ang eksena sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung bakit nanlamig siya nang makita ang babaeng nakahawak sa braso ni Nathanil. Hindi niya mawari kung bakit gusto niyang umupo at umiyak. Ito na ba ang kinatatakutan niya? Ang bumalik sa Pinas at mapagtanto na huli na ang lahat? "Remus!" singhap ni Lili. Lumapit ito sa binata at hinampas ang dibdib nito. "Ba't 'di mo ako sinabihang andito ka na pala?" Ngumiti si Remus bago kinabig ang katipan upang halikan sa noo. "Nasorpresa ka 'diba?" "Che!" nagpapa-cute na saway ng kaibigan. Hindi alam ni Samara kung ano ang dapat niyang reaksyon kaya kinuha niya ang bag mula sa kamay ni Branko. Nasorpresa ang lalaki sa ginawa niya. "Ako na, Ate Baby Girl. Ihahatid ko ang mga ito sa kuwarto mo." "Who i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD