DAMON POINT OF VIEW Ang hangin sa academy ay puno ng tensyon at ingay ng mga putok ng baril. Habang lumalaban kami sa mga Shadow Wolves, hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng lahat. Ang mga pader ng academy, na sanay akong tingnan bilang ligtas na lugar, ay ngayo’y punong-puno ng mga sugat at kalituhan. Hindi ko alam kung gaano katagal pa kami magtatagal, pero isang bagay lang ang sigurado: kailangan ko silang protektahan, anuman ang mangyari. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa isang matinding laban. Si Kyle at ang iba pang mga kasamahan ko ay patuloy na lumalaban sa harap, habang ako naman ang nag-uutos sa mga iba’t ibang sectors. Lahat kami ay nagtutulungan, ngunit hindi ko maikakaila na ang sitwasyon ay lumalala. Dala ko ang bigat ng responsibilidad na pinili ko, at hindi ko

