DAMON POINT OF VIEW Ang dilim ng paligid ay nagtatago ng maraming sikreto, pero alam kong hindi ito makakapigil sa amin. Habang nagmamarcha kami sa tahimik na kagubatan patungo sa extraction point, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad sa balikat ko. Isa-isa kong tinitingnan ang bawat miyembro ng grupo. Nakikita ko ang pagod sa kanilang mga mukha, pero nananatili silang alerto, nakahanda sa anumang maaaring mangyari. “Captain,” tawag ni Diego, bahagyang binababa ang boses. “May naririnig akong kaluskos sa kanan.” Agad akong sumenyas para sa lahat na huminto. “Hold positions,” bulong ko sa radio. Hawak ang binoculars, tinignan ko ang direksyon na tinukoy ni Diego. Wala akong nakitang anumang mali, pero hindi ko maaaring balewalain ang instinct niya. Palaging tama si Diego sa mga ganit

