NADZ POINT OF VIEW Lumipas ang ilang taon, at sa wakas, dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat—ang araw ng pagtatapos ng mga natitirang trainees. Habang nakatayo ako sa gilid ng entablado, pinagmamasdan ko ang bawat isa sa kanila. Ang iba sa kanila ay nakangiti, habang ang iba naman ay tila hindi makapaniwala na narating nila ang puntong ito. "Dr. Nadz," tawag ni Lea, isa sa mga bagong nurse sa clinic. "Are you okay? You’ve been staring at the trainees for a while now." Ngumiti ako sa kanya. "I’m fine. Just... reminiscing." At totoo iyon. Hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng pinagdaanan namin. Mula sa unang araw na dumating sila sa akademya hanggang sa lahat ng mga laban na kinaharap nila. Marami ang nawala, pero marami rin ang nanatili. "Dr. Nadz!" sigaw ni Leo mula sa liko

