NADZ POINT OF VIEW Pagod ngunit puno ng pag-asa, unti-unti nang bumabangon ang akademya mula sa naiwang gulo ng labanan. Ang paligid ay puno ng ingay ng martilyo, pagbuhat ng mga debris, at mga sigawan ng mga nagtutulungang sundalo at trainees. Nakatanaw ako mula sa bintana ng infirmary, ang mga kamay ko’y puno pa rin ng sugat dahil sa walang tigil na pag-asikaso sa mga sugatang estudyante noong nakaraang gabi. Sa kabila ng hirap, alam kong mahalaga ang ginagawa namin. "Ang dami pa rin nating kailangang ayusin," bulong ko sa sarili. Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Damon. Ang presensya niya ay palaging nagbibigay ng kakaibang lakas sa akin. Suot niya ang simpleng uniporme, pero kahit ganoon, hindi maikakaila ang aura ng lider na taglay niya. “Nadz,” bati niya, ang boses niya a

