NADZ POINT OF VIEW Pagkatapos ng almusal, nagtipon-tipon ang lahat ng mga estudyante sa malawak na field ng academy. Naroon ang lahat ng trainees, nakaayos sa magkakasunod na linya, at ang iba pang mga staff ng academy. Kahit na tanghaling tapat na, tahimik at organisado ang mga estudyante, halatang disiplinado sa bawat kilos at galaw. Sa gitna ng field, nakita kong nakatayo na si Captain Damon, seryosong nakatingin sa mga estudyante. Nakapamewang siya at may mabigat na ekspresyon sa kanyang mukha—isang ekspresyon na nagpapakitang hindi siya natutuwa kapag mayroong nagpapabaya. Ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya kahit hindi siya nag-iingay; sapat na ang kanyang tingin para magpatuloy ang katahimikan sa paligid. “Lahat, attention!” boses ni Sergeant Kyle, na umalingawngaw sa buong

