THIRD PERSON POINT OF VIEW Dumilim na ang paligid nang magpatuloy ang operasyon. Ang hangin ay malamig at may kasamang amoy ng alikabok mula sa mga disyertong landas ng base. Lahat ng kasamahan ni Damon ay nagtipon sa isang sulok, ang mga mata nila ay alerto, mga armas ay nakatago, at ang bawat galaw nila ay tahimik at maingat. Ang kanilang layunin ay malinaw: maghanap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa susunod na galaw ng mga Shadow Wolves, ngunit alam nilang ang bawat hakbang ay puno ng panganib. "Okay, listen up," sabi ni Damon, ang boses niya ay mabigat at tahimik. "Tuloy ang operasyon. Magsasama tayo ngayon, at wala nang atrasan. I need all of you to stay sharp, stay close. We need to infiltrate the main building." "Understood, Captain," sagot ni Kyle, na hawak ang rifle at na

