MAAGANG nakatulog si Jileen ngayong araw. Pero hindi masabi ni Jackie kung tama ba na ipagpasalamat niya iyon. Mas lalo kasi siyang nalulungkot ngayong tulog ito. Mas nararamdaman niya na mag-isa. Pero naiintindihan rin naman ni Jackie na kailangan ng anak ng tulog. Dalawang araw na kasi itong walang maayos na tulog. Huminga nang malalim si Jackie. Kagaya rin naman siya ng anak. Halos wala rin siyang pahinga. Pero mas inaalala niya ang anak. Kakagaling lang nito sa sakit. Baka mabinat ito. Isa pa, kahit naman anong gawin niya, nahihirapan pa rin talaga siya na makatulog. Palagi niyang naiisip si Albert. Miss na miss na niya ito. Hindi pa rin matanggap ni Jackie ang pakikipaghiwalay sa kanya ng asawa legally. Pero naisip niyang baka mas lalo pang ikasama ng lahat kung mananatili sila sa b

