MALINAW kay Jackie na mali ang ginawa niya kay Albert. Pinilit niya lang ito na panagutan siya. Pero naisip niyang mas gugustuhin na niyang maramdaman ang mga panunumbat nito kaysa sa magiging sermon sa kanya ng magulang niya kapag naging dalagang ina siya. Alam kasi niyang hindi lang sermon ang makukuha niya sa mga magulang niya kapag nagkataon. It might cost their life. It will be a very big scandal for them if they knew that a man just knocked her up and not willing to marry her. Matatanda na ang mga ito. Hindi na niya dapat pinasasama ang loob ng mga ito. Naging successful naman si Jackie sa pamimilit kay Albert. One month later after she revealed her condition, they got married. Masuwerteng maliit siyang magbuntis kaya naman kahit tatlong buwan na ang tiyan niya ay hindi pa rin iyon

