"HOLD on for a second," wika ni Jackie kay Albert bago sila umalis ng apartment nito. Napakunot noo siya. "Bakit?" "May nakalimutan akong sabihin sa land lady ko. Pupuntahan ko lang saglit," wika nito at ibinaba ang kalong-kalong na si Jileen. "Dito ka muna. I'll be back soon," Hindi naman naghabol ang bata. Sa halip, tumingin ito sa kanya. "Hi..." Nahihiyang bati nito. Napalunok si Albert. Anak niya ang bata. Pero bakit parang ang awkward ng feeling niya? "Hello..." "Daddy?" Tumango si Albert. Ipinakilala siya rito ni Jackie nang maggising ito. Takang-taka kasi ito nang makita siya. Pumalakpak ang bata. "Daddy!" Maya-maya pa ay itinaas ng bata ang kamay na para bang nagpapayakap. Namawis si Albert. Nagsunod-sunod ang paglunok niya. "Hug, Daddy! Hug!" Dahil sa maagang paghihiwa

