24 Mabibigat ang bawat hakbang ni Dwayne nang makapasok kami sa loob ng mansion. Hawak niya ang kamay ko habang nakasunod lamang ako sa kaniyang maglakad. Tumigil siya sa paglalakad nang makarating kami sa loob ng aking kuwarto. I bit my lower lip upon seeing his reaction. He still looks mad. Fuming mad. "A-Are you mad?" I asked him. Binitiwan naman niya ang aking kamay bago humarap sa direksiyon ko. He let out a harsh breath. "Bakit ba kasi nakipag-usap ka pa sa lalaking iyon?" tanong niya. "Siya ang kusang lumapit sa akin habang wala ka. He started talking bad things about you when you left. Ineexpect mo ba na mananahimik ako?" Inis na tanong ko. "Hindi mo na naman kailangang patulan—" "Eh kasi nga, sinisiraan ka niya sa harap ko. Ikaw na nga ang ipinagtanggol ko, ikaw pa ang gal

