04
"Sure ka na ba diyan sa lalaking kasama mo kagabi?" tanong ni Isaac habang naghahanda na sa mahaba-habang biyahe.
I rolled my eyes. "Mayroon pa ba akong ibang choice, ha?"
"Malay mo may HIV pala 'yan. . ."
"Gaga ka ba? Ang judgemental mo!" Inis na saad ko at sumandal sa upuan ng kotse.
Isaac lightly chuckled. "Papable ba? Guwapo?" tanong niyang muli.
Napailing naman ako at sinamaan siya ng tingin. Parang kanina lamang ay sinasabihan niya na baka may sakit tapos ngayon, tinatanong na kung gwapo.
"Landi mo," usal ko.
"Alam ko naman iyon, Nellie girl. So ano na nga, gwapo ba?" pangungulit niya kaya malakas akong napabuntong hininga.
"Oo," pag-amin ko kaya't napatili siya.
"Hindi mo naman type, 'di ba? Akin na lamang!"
I rolled my eyes as I crossed my arms over my chest. "Isaac, hindi puwedeng malaman ng ibang tao na bakla ka, hindi ba? Ano? Maglalaladlad ka na, gano'n ba?"
"Sabi ko nga, hindi puwede. Ang possessive mo naman, Nellie girl. Bawal makishare?" He sighed.
"Bakit ba hindi ka pa nagd-drive? Hindi ka ba marunong ha?" Naiinip na tanong ko at taka siyang tiningnan.
"Bakit ba kasi diyan ka sa backseat nakaupo? Dito ka kaya maupo sa tabi ko. Pinagmumukha mo naman akong driver niyan, grabe ka!"
Inismiran ko siya bago tumingin sa labas. "Driver naman talaga kita ngayon," tugon ko kaya't wala siyang nagawa kung hindi bumuntong hininga.
Matapos ang ilang segundo ay umandar na ang sasakyan. I inspected my fingernails as my lips puckered. Sana naman ay pumayag ang lalaking iyon.
"Daanan muna natin si Mamang Ichi sa hotel bago tayo dumiretso sa kung nasaan man ang magiging asawa ko, okay? Itetext niya sa 'yo ang location niya," bilin ko kay Isaac samantalang tumango lamang siya bilang tugon at focua na focus sa pagda-drive.
Sumandal ako at ipinikit ang aking mga mata. Apat na oras din ang biyahe at wala naman akong gagawin sa apat na oras na iyon.
"Gisingin mo na lamang ako kapag nakarating na tayo sa Maynila," bilin ko.
"Grabe, ginawa na nga akong driver, tutulugan pa ako." Rinig kong reklamo niya sa sinabi ko kaya't wala akong nagawa kung hindi umiling bilang tugon. Reklamador talaga 'to kahit kailan.
I yawned as I slowly succumb into deep slumber.
"Kanina pa 'yan tulog?"
Naalimpungatan ako sa boses ni Mamang Ichi kaya't marahan kong binuksan ang aking mga mata.
"Andito ka na pala, Mamang Ichi. Nasa Maynila na agad tayo?" tanong ko at humikab. Napatingin naman sila sa gawi ko.
Nakaupo sa passenger seat si Mamang Ichi samantalang wala akong katabi rito sa likod.
"Tinulugan mo kaya ako, Nellie girl," reklamo muli ni Isaac kaya't nagkibit balikat na lamang ako at nagbaling ng tingin kay Mamang Ichi.
"So ano na ang balita, Mamang Ichi? Nasaan na si Dwayne Fontanilla?" Agad na tanong ko sa kaniya.
Mamang Ichi let out a harsh breath. "Nasa mansion daw ng mga Fontanilla," sagot niya.
"Doon ba siya nakatira?"
Umiling naman siya bilang tugon kaya't mabilis na nagsalubong ang aking mga kilay. "Saan?" tanong kong muli.
"May sariling condo unit daw si Dwayne Fontanilla dahil ayaw niyang tumira kasama ang pamilya niya," sagot ni Mamang Ichi.
Napatango naman ako. Mas madali kung ganoon dahil hindi na magtataka ang pamilya niya.
"Ano pang hinihintay natin? Tara na. Chop chop!" saad ko at ipinalakpak ang aking mga kamay.
Isaac sighed. "Nellie girl, apat na oras kaya akong nag-drive. . ."
I shot a brow up as I crossed my arms over my chest while looking at him. "Ayaw mo?"
Napalabi siya bago inistart ang makina. Nagrereklamo pa, susunod din naman.
"Mamang Ichi, guwapo ba talaga iyang si Dwayne Fontanilla?" pag-uusisa ni Isaac kaya't napailing ako kasabay ng pagbuntong hininga.
Napaka-chismoso talaga nito.
"Ay Iska, sobra! Mayaman tapos parang greek God dahil sa guwapo. Hindi ko nga alam kung anong ginawa niyang si Nellie at nakapikot ng ganoong klaseng lalaki," sagot ni Mamang Ichi na siyang ikinangiti ko.
"Ako pa? Sa ganda kong ito, paano ako hindi makakakuha ng lalaki?" pagmamayabang ko at tinaasan sila ng kilay.
"Grabe talaga, Mamang Ichi. Hinding-hindi talaga ako masasanay na ganiyan si Nellie girl," komento ni Isaac kaya't muli ko siyang tiningnan nang masama.
"Iyan pa? Kulang na lamang mag-artista iyan, e," Mamang Ichi mocked my words. Inismiran ko siya at tumingin na lamang sa labas ng bintana.
I tapped my heel on the floor of the car as I impatiently wait for us to get to the Fontanilla mansion. Napakabagal naman kasing mag-drive nitong si Isaac. Nang lumingon ako sa bintana ng kotse ay magdidilim na.
"Ano ba 'yan? Baka hindi na natin maabutan si Dwayne, ha!" reklamo ko kay Isaac.
Isaac groaned. "Nellie girl, bawal mag-overspeed dito. Kapag nahuli tayo ng pulis, ikaw ang magbabayad," palusot niya.
I rolled my eyes as I propped my chin on my palm. "Ang tagal naman. . ."
"Excited na excited, Nellie girl?"
"Gaga, malamang! Paano kapag hindi natin naabutan ang lalaking iyon, ha? Oh ano? Paano na tayo?" I remarked.
"Hindi ka kinakabahan na hindi siya pumayag sa gusto mong magpanggap siyang asawa mo?" tanong ni Mamang Ichi at lumingon sa backseat.
I smiled sweetly at her. "Don't worry about that, Mamang Ichi," I assured her.
Wala siyang naging tugon kung hindi ang marahang pag-iling. Nagkibit-balikat naman ako at kinuha ang isang piraso ng lollipop sa dala kong shoulder bag.
"Nandito na tayo sa village nila," Isaac announced.
Napangiti naman ako habang inaalis ang balot ng lollipop. "Hindi tayo papapasukin sa loob kaya maghintay na lamang tayo rito sa labas," sambit ko.
"Ha? Paano kung hindi siya lumabas o kaya naman ay nakaalis na pala siya?"
"Isaac dear, trust my instincts. Nandiyan pa siya sa loob at lalabas na rin iyon mayamaya lamang," saad ko at isinubo ang lollipop. Sumandal ako sa upuan at ipinagkrus ang aking mga braso bago tumingin sa gate ng village kung nasaan ang mansion ng mga Fontanilla.
"Parang wala naman, e," naiinip na sabi ni Mamang Ichi.
"Lalabas 'yan," giit ko naman.
"Paano kung naka-kotse, Nellie girl? Alam mo ba ang kulay ng kotse?" Isaac asked.
I shook my head as an answer. Napangiti naman ako nang makita ang taong naglalakad palabas ng village. "Naglalakad 'yon dahil wala na siyang kotse," I answered.
"Ha? Eh 'di ba mayaman ang lalaking iyon?" tanong muli ni Isaac kaya't mas lalo akong napangiti nang makalabas na ang lalaking hinihintay namin.
"Not anymore. . ."
"Ha?" Naguguluhang tanong niya kaya't nagkibit-balikat ako at itinuro ang lalaking kanina ko pa inoobserbahan.
"Paandarin mo ang kotse at puntahan ang lalaking iyon," utos ko at itinuro si Dwayne gamit ang aking lollipop.
"Siya na 'yan?" Isaac asked. Marahan naman akong tumango at napangiti bago muling ibinalik sa aking bibig ang kinakain kong lollipop.
Mabagal na pinaandar ni Isaac ang kaniyang kotse bago iyon itinigil sa tapat ni Dwayne. Nang tumigil ang kotse ay agad kong ibinaba ang bintana.
"Hey!" sigaw ko.
Bahagya siyang tumigil sa paglalakad bago lumingon sa gawi ko. I smiled at him as I remove the lollipop on my mouth.
His eyes widened. "You're the girl last night. . ." he trailed off.
I nod my head. "Yup!"
"What are you doing here?" Naguguluhang tanong niya sa akin. I smiled sweetly at him.
"Why don't we talk inside this car? Hop in," sambit ko. His brows drew in a straight line.
"Are you going to kidnap me?" he asked.
Mahina naman akong tumawa. "Dear, kung kikidnapin kita, sana matagal ko ng ginawa noong may pera ka pa," I answered.
His lips parted. "Paano mo nalaman?" Takang tanong niya.
I smiled at him. "Secret. Dali na, sumakay ka na rito bago pa magbago ang isip ko," utos ko.
Umisod ako sa kabilang pintuan ng kotse bago iyon binuksan. Papasok na sana siya pero napatigil nang makita sina Mamang Ichi at Isaac sa loob.
I shot a brow up. "Pasok na," utos ko.
Sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok sa loob at umupo sa aking tabi sa backseat.
"Ayan, tara na, Isaac," utos ko kay Isaac. Pinanlakihan ako ng mata ni Isaac sa rearview mirror kaya't inirapan ko siya. Sana naman hindi lumandi ang gagang ito.
"So what now?" Dwayne asked.
Lumingon ako sa gawi niya at ipinagkrus ang aking mga braso. "I have an offer to you," panimula ko.
"An offer? What is it?"
"Pag-uusapan natin kapag nakarating na tayo sa condo unit ko. I'll discuss the details to you."
"Details? What kind of offer is it?" tanong niyang muli.
I rolled my eyes. Hindi talaga makapaghintay ang lalaking ito. Ang dami pang tanong!
"A business," I answered.
"Business? Anong business?"
I let out a harsh breath. "It's just something that can help you financially. Don't worry, nakadepende sa trabaho ang suweldo," sagot ko.
"Sorry Miss but I am not interested in smuggling drugs."
Marahas ko siyang tiningnan kasabay ng pagtaas ng aking kanang kilay. "Excuse me? Mukha ba akong nagd-drugs?!"
Rinig ko naman ang mahinang pagtawa nina Mamang Ichi at Isaac sa harap. I rolled my eyes.
"What kind of business are you up to then?" tanong niyang muli na siyang ikinairap at ikinailing ko.
"Sinabi ko na sa 'yo na sa condo ko na ididiscuss sa 'yo ang details, hindi ba? Kaya puwede ba, tumahimik ka muna? Later, okay? Later."
He sighed as he leaned on the seat. "Fine," pagsuko niya.
Napailing naman ako at muling isinubo ang lollipop na kanina ko pa kinakain. Pasimple naman akong tumingin sa gawi ng katabi ko.
Papayag naman siya sa gusto ko. . . 'Di ba?
-----