NELLIE
"Nellie, gising na. Nandito na tayo sa hacienda."
Naalimpungatan ako dahil sa boses ni Mamang Ichi. I yawned as I stretched my arms and my back. Tumingin naman ako sa labas at agad na napalabi.
Nandito na naman ako.
"Hep! Hep! Saan ka pupuntang bata ka, ha?" Akmang bababa na sana ako nang suwayin ako ni Mamang Ichi.
I boredly looked at her as I rose my eyebrow. "Papasok sa loob?" I deadpanned sarcasmly.
Malakas siyang tumawa bago sinuri ang katawan ko. "Sigurado kang lalabas ka habang ganiyan ang suot mong damit? Baka gusto mong atakihin ang Lolo mo dahil sa gulat?"
Malakas naman akong bumuntong hininga. Oh, right. I almost forgot.
"Nasaan ang damit ko?" I asked her.
Napatango naman siya at kinuha ang isang paper bag sa passenger seat. Agad ko naman iyong tinanggap at tiningnan. I rolled my eyes upon seeing it.
"Sige na, magbibihis na ako," tanging saad ko kaya't nagkibit-balikat na lamang siya at bumaba na ng sasakyan.
Agad naman akong naghubad nang makalabas siya. Ang kaninang suot kong maikling skirt at tank top ay napalitan ng kulay puting dress na hanggang tuhod. Pinalitan ko rin ang suot kong high heels at nagsuot ng flat sandals. Ang nakalugay ko namang buhok ay pinanatili ko na lamang sa ganoong estado. I rolled my eyes for the umpteenth time. Kulang na lamang ay maging si Marimar ako rito sa pormahang ito.
Mabilis naman akong lumabas ng kotse. Sinalubong naman ako ng palakpak ni Mamang Ichi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tingnan mo nga naman, o. Ang isang demonyita sa Maynila, nagiging santa pagdating sa probinsiya."
Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata kasabay ng paghampas sa kaniyang balikat. "Baka may makarinig sa 'yo, Mamang Ichi!" suway ko.
Mahina siyang tumawa dahil sa reaksiyon ko kaya't mas lalo ko siyang pinanlisikan ng mata. Nang hindi siya tumigil sa pagtawa ay naiinis ko siyang tinalikuran at nag-martsa na patungo sa loob ng mansion.
"Sa susunod ay magdagdag kayo ng mga trabahador para mas mapabilis pa ang pag-aangkat ng tubo."
Dinig mula sa living room ang boses ni Lolo na nasa kusina kaya't pasimple akong napangiti. I trailed towards the dining area and saw my Lolo there holding a tobacco cigarette on his left hand while holding a spoon on his right hand.
"Nandito na pala ang paborito kong apo!" bulalas niya nang makita ako. Mabilis namang umalis ang mga kausap niyang trabahador.
"Lolo naman, nagsisigarilyo pa rin kayo kahit na sinabi na ng doctor na bawal na kayong manigarilyo," puna ko at agad na lumapit sa puwesto niya. Marahan kong kinuha ang sigarilyo sa kamay niya at inilayo sa kaniya.
"Kumusta ang bakasyon mo sa Maynila, Nellie apo?" tanong niya.
I groaned. "Maka-bakasyon naman si Lolo. Dalawang araw lamang po kaya ako roon," pabirong sambit ko.
Iniabot ko sa isang katulong ang kinuha kong sigarilyo mula kay Lolo bago ako umupo sa puwesto ko.
"Kumusta naman ang dalawang araw mong pananatili sa Maynila?" tanong niya at inemphasize ang salitang dalawang araw.
Mahina akong tumawa at napailing. "Ayos lang naman po. Katulad pa rin nang dati," sagot ko.
"Hindi ka ba nanibago sa Maynila, apo? Hindi ka naman tiga roon."
Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Mamang Ichi sa likod ko kaya't pasimple akong umirap. Patay talaga siya mamaya sa akin kapag hindi na namin kaharap si Lolo.
I forced a smile. "Hindi naman po, Lolo. Halos kada buwan ay pumupunta naman po ako ng Maynila kaya medyo nasasanay na po ako," pagsisinungaling ko.
"Bakit hindi mo subukang isama si Isaac sa Maynila, Nellie? Hindi ba at sa Maynila nag-aral si Isaac? Makakatulong siya sa 'yo," tanong ni Lolo bago sumubo ng kanin. Nang makasubo siya ay mahina siyang umubo kaya't agad ko siyang inabutan ng tubig.
Lolo Protacio is already seventy nine years old. Malakas pa naman siya pero napakarami na niyang iniinom na maintainance na gamot.
"Lolo, hindi ko na naman po kailangan si Isaac—"
"Pinag-uusapan niyo ho ba ako?"
Speaking of the devil. Marahas akong lumingon sa gawi ng nagsalita. Tiningnan niya ako nang magtama ang paningin namin bago ako tinaasan ng kilay. Pasimple naman akong umirap sa kaniya para hindi mapansin ni Lolo.
"Ikaw pala, Isaac hijo. Umupo ka at sumalo ka rito sa amin," anyaya ni Lolo sa kababata kong si Isaac.
Agad namang sumunod ang loko at mabilis na umupo sa aking tapat. Tinaasan ko siya ng kilay pero umirap lamang siya. Aba't!
"Ano hong pinag-uusapan niyo tungkol sa akin Don Protacio?" Isaac asked my grandfather.
Napailing naman ako bago inabot ang pitsel ng tubig at nagsalin sa aking baso. Nakita ko namang kumukuha na ng kanin si Isaac kaya't mas lalong tumaas ang aking kilay. Wala talaga siyang hiya.
"Pinag-uusapan namin kung bakit hindi mo subukang samahan si Nellie na pumunta sa Maynila sa susunod na pumunta siya roon," sagot ni Lolo kay Isaac.
"Ho? Bakit ho kailangan ako ni Nellie?" tanong niyang muli bago tumingin sa dako ko.
"Baka kasi naninibago pa si Nellie sa Maynila kaya siguro mas mabuti na mayroon siyang kasama roon," Lolo answered as he munch his food.
"Lolo, kasama ko naman po si Mamang Ichi," giit ko habang nakatingin sa gawi ng aking Lolo na tahimik na kumakain. Tumigil siya sa pag-kain at nag-angat ng tingin sa akin.
"Dito rin lumaki sa Batangas si Ichi, Nellie. Iba pa rin kapag may kasama kang tumira nang matagal sa Maynila kapag pumupunta ka roon."
Napalabi naman ako at uminom sa kinuha kong tubig.
"Sigurado naman po ba kayong naninibago si Nellie sa Maynila, Don Protacio?" Malokong tanong ni Isaac kaya't malakas kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa.
Napadaing naman siya dahil sa sakit pero agad na nagkunwaring walang nangyari nang pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Anong ibig mong sabihin, Isaac hijo?" Lolo asked him.
He chuckled nervously as I shot him a bitchy glare. "Uh. . . Baka ho kasi hindi na naman ako kailangan ni Nellie. Mukha naman pong kaya na niya ang sarili niya. Twenty nine na po 'yan, e. Sigurado po akong kaya na niya ang sarili niya," kinakabahang sagot niya.
"Sayang naman kung ganoon. Dapat ay masanay na kayo sa isa't-isa dahil mahihirapan kayong dalawa kapag ikinasal kayo."
Sabay kaming tumingin sa gawi ni Lolo ni Isaac, kapwa nanlalaki ang aming mga mata.
"A-Ano hong sinabi niyo?" I stammered.
Lolo chuckled before turning his head up. Agad namang nagkatagpo ang aming mga mata. Tiningnan niya kaming dalawa ni Isaac bago malokong ngumiti.
"Napag-desisyunan na kasi namin ng mga magulang ni Isaac na ipakasal kayong dalawa."
Nagkatinginan kami ni Isaac at sabay na napangiwi dahil sa sinabi ni Lolo. Muli kaming tumingin sa direksiyon ni Lolo.
"Ano ho?!/True po?!"