HAFH 57 NELLIE Nang makarating kami sa mansion ay manghang-mangha si Danielle (or Amari) sa mansion ng mga Fontanilla. Hindi kasi siya sanay na makapunta sa ganitong klaseng bahay. Kasama niya sina Maurice, Monika, at Darius dahil big girl na raw siya at hindi na raw niya kailangan na palagi akong nakabantay. Bahagya naman akong napailing habang nakasunod sa kanila. Enjoy na enjoy si Danielle sa pakikinig sa mga sinasabi ni Maurice tungkol sa mansion nila. Napangiti naman ako nang saglit na tumigil si Danielle sa picture frame ni Dwayne na naka-display sa lamesa. Tumingin siya sa akin na tila ba nag-iingat dahil binabantayan ko ang bawat galaw niya. Nginitian ko lamang siya at tinanguan para ipaalam na ayos lang. "It looks like your child is amaze in our mansion, huh?" Tumango naman

