51 DWAYNE FONTANILLA POINT OF VIEW. Abot langit ang ngiti ko nang ibigay ni Kuya Declan ang ipinagawa kong singsing para kay Nellie. It is a thin silver ring with a round centre diamond flanked by stunning pear diamonds. This ring will surely fits on Nellie's finger. Sana magustuhan niya. "Kailan ang kasal?" tanong ni Kuya Declan kaya't agad akong nag-angat ng tingin. I smiled at him. "Gusto kong umunang magpakasal sa inyo ni Layla," biro ko. His face immediately darkened. "Dwayne naman. . ." Mabilis akong tumawa at hinampas ang kaniyang balikat. "Huwag kang mag-alala, hihintayin ko munang makapanganak si Nellie bago kami magpakasal," I assured him. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko samantalang payak naman akong ngumiti. "Nellie is pregnant?!" malakas na ta

