Kendra Pov... Mabigat akong napabuntong hininga pagkalapag ng eroplano sa NAIA. Ito na nga, nakabalik na ako sa aking bayang sinilangan. Kendra kaya mo yan, basta isipin mo andito ka dahil sa negosyo hindi dahil sa nakaraan. Kung sakaling makita mo sila magpanggap ka nalang na may amnesia ka. Kausap ko sa aking sarili. "Kendra baka gusto mo umusad jan at maraming tao sa likuran mo!" Sita ni Sharon. Hindi ko kasi magawang humakbang. Nakiusap si Danny na siya ang maiwan kaya si Sharon ang kasama ngayon. "Sorry naman. Mahirap kasing humakbang eh!" Angal kong sagot habang kinakaladkad ang aking paa sa paglakad. "Kendra past is past unless is something to die for." Kanyang saad. Nakakalimutan niya yatang hindi lang iyon ang problema kapag nagkataon. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Ayaw

