Kendra Pov... Alasais pa kami nasa bar ni Sharon kaya naman lasing na ako pagdating ng alas otso pero yun naman ang plano ang lasingin ako para kinabukasan nakalimot ako pero parang mali yata ang lipad ng hangin sa akin. Maaga pa para makita ko siya at hindi ko sinasadya na tabigin ang kanyang mesa. Kung bakit naman kasi natapakan ko ang dulo ng aking sapatos para mapasubsob sa kanyang mesa. Nung nagkasalubong ang aming mata ay alam kong wala siya sa mood pero hindi ko kinaya ang taglay niyang kagwapuhan. Intimidating ang kanyang dating kaya siguro siya ang natipuhan ko noon pero mukhang hindi siya ordinaryong tao. His strong personality is not just intimidating kundi may taglay na kilabot. Nagtayuan nga aking mga balabibo nung umimik siya. Pakiramdam ko nasasakal ako kaya mas pinili k

