Enrico Pov... Nung umalis ako sa hotel kung saan pansamantalang nagstay sina Sharon at Kendra ay hindi maipaliwanag ang saya na aking nararamadaman. Halos hindi na nga mawala ang tamis ng ngiti sa aking labi ngunit masisira lamang dahil sa biglaang pagsulpot ni Diana. Dapat ko na talaga pagsabihan ang aking mga katiwala tungkol sa kanya at abguhin ang mga kandado ng bawat pintuan. Gusto kong tuluyang tanggalin si Diana sa buhay ko. Isa siyang tinik na kailangang mabunot sa aking lalamunan. Bakit ba kasi siya bumalik at nagsusumiksik nanaman sa buhay ko. Minsan na akong naging tanga noon at ipinaglaban siya. Hindi ko mapigilan ang hindi umapoy sa galit pagkakita sa kanya na akala mo siya ang may ari ng bahay na malayang nakakagalaw. Sa aming sagutan napansin kong may kakaiba sa kanya. H

