Unexpected BEACTRICE/AURORA NAPAHAGIKGIK SIYA HABANG nakapikit ang mga mata. May naramdaman kasi siyang humahalik sa pisngi niya. At alam niya kung sino iyon. Nagtulug-tulugan siya para inisin ito. “Mommy, gising na!” gising nito sa kanya habang hinahalikan siya sa pisngi. Niyakap niya ito at kiniliti. Tawa ito nang tawa na napakasarap sa kanyang pandinig. Kapag sila lamang dalawa ng baby niya ay tumatawa ito. Pero kapag may ibang tao ay napakasuplado nito. Dumilat siya at napatingin kay Duke na hinihingal dahil sa pagkiliti niya. “Good morning, baby,” bati niya rito at hinalikan sa pisngi. “Mom, you promised me,” sabi nito. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi nito. “Mom!” nabuburyong suway nito sa kanya kaya natatawang binitiwan niya ang pisngi nito. “Yes,

