Common, Make me
* * *
What is Love?
There are many phases of love. First, love is about sacrifices. Well, it is. Sacrifice in a good and a wrong way. Lahat naman talaga magagawa ng pag-ibig. Iyong iba pa nga kahit masama ay gagawin iyon. They can kill, they can steal, they can manipulate, they can do such illegal things para sa pag-ibig. Nakakalungkot, 'no? Kahit na alam natin mismo sa sarili natin na mali iyon na gawin ay gagawin pa rin natin, gagawin ng iba.
Nakadepende pa rin iyon sa tao. Pero maling-mali kahit saang anggulo.
Pero, kung humantong man sa punto na nakagawa tayo ng pagkakamali ay dapat alam natin itong itama hangga't maari. We shouldn't tolerate wrong doings. Habang maaga pa, sana'y mabago manlang natin iyon para hindi natin pagsisihan.
In Arden's case, nagpakatanga siya sa pag-ibig na hindi naman kayang suklian ni Via. A one sided love. The bad thing here is, he will do everything for her. Literal na bulag siya.
Paano na lang kung hilingin ni Via na patayin niya iyong sarili niya, hindi ba?
That's absurd.
Iyon love in a good way naman, example; about freeing someone from our grasp, freeing them from our love. Pinalaya at walang pilitan na naganap. Ito rin iyong masakit, iyong mahal mo pa o gusto mo pa iyong tao pero hindi na puwede kaya mas pinili mo na lang na magparaya. Kasi mayroong mga bawal, mayroong mga hadlang . . . kasi kailangan. It is very painful to see them with someone else. Lalo na at nakikita mong masaya na sa iba. Ang sakit, ang sakit-sakit no'n, sobra.
Siguro ay totoo nga, masakit talaga ang pag-ibig.
Ilang araw na rin ang nagdaan matapos ang tagpong iyon, talagang tinotoo ni Arden iyong pinangako niya na kahit magmukha siyang tanga ay hindi na bale sa kaniya. Walang palya, walang araw na hindi niya ito pinapadalhan ng paborito nitong bulaklak. Minsan pa nga ay pinagluluto niya ito nang paborito nitong adobo. Pero, lingid sa kaalaman niya ay itinatapon ni Via iyong pagkain at bulaklak sa basurahan.
Sa araw-araw na pagpapadala ni Arden ay mismong ang nurse na tumatanggap ay naawa dahil sa pinanggagawa niya. Paano na lang kaya kapag nalaman mismo ng binata na tinatapon ni Via iyong mga pinaghirapan niya? Talagang tagos hanggang sa buto ang sakit no'n.
"Alam mo Kyla, ako iyong naaawa sa manliligaw ni ma'am Via," saad ng isang nurse, iyong taga-tanggap ng regalo na pinapatapon lang ng dalaga. "Kasi, halata namang mahal na mahal niya si ma'am pero ni kaunting pagmamahal hindi ko maramdaman galing kay ma'am. Kawawa niya, 'no? Sa dinami-daming babae na puwede niyang mahalin, kay ma'am pa na iyong puso parang gawa sa bato."
Agad namang sumang-ayon ang kaibigan. "Agree, girl. Too bad kay kuyang pogi, nagmahal ng babaeng masyadong mataas ang tingin sa sarili—"
Hindi natapos iyon nang biglang may pumutol dito, si Via. Nasa likod lang pala ito. "Are you done talking behind my back? Are done beating around the bush?" Namutla ang dalawa at nataranta sa tuno ng pananalita ng dalaga.
"M-Ma'am . . ."
Mapanuyang tumawa ang dalaga. "Oh, save your explanation, ladies. Wala kayong alam dalawa kaya magsitahimik kayo kung ayaw niyong kalbuhin ko kayo." Pagbabanta pa ng dalaga sa dalawa. Agad namang nagsitanguan ito at nahiya dahil sa nagawa, sabay pa itong sumagot.
"Opo, ma'am Via. S-Sorry po." Aniya nila, takot na takot.
Nang matapos iyon ay umalis na si Via, magkasalubong pa iyong kilay niya habang pigil na pigil na pagsasampalin iyong dalawang pakialamera, nanggagalaiti siya sa kaloob-looban niya. "How dare them to pry into someone's life! Mga istupida!" giit niya pa, galit. Imbes na pupunta siya sa canteen para kumain ay pumunta na lang siya sa garden upang magpahangin.
Pumunta siya sa isang duyan at doon naupo, galit pa rin siya pero kinakailangan pa rin niyang kontrolin iyong nararamdaman niya lalo na't may counseling session siya mamayang hapon. Ayaw niyang maka-apekto ito sa trabaho niya hangga't maari, pero hindi niya na mawala sa isip iyong sinabi ng dalawa.
"Babaeng masyadong mataas ang tingin sa sarili, huh?" Nailing na siya sa insultong iyon. "Kung alam niyo lang," aniya pa habang nangilid iyong luha. "Kung alam niyo lang kung bakit."
_
Bandang alas dos nang hapon, napag-pasyahan ni Arden na makipag-kita sa kaibigan niyang doktor na si Doctor Iñigo Marcus Hermoso na kasalukuyan ay nasa Cebu rin kasama ang pamilya nito na nagbakasyon sa La Trinidad. Masaya pa siya habang nasa byahe dahil matagal-tagal na rin mula noong nagkita silang dalawa.
Dati kasi niya itong kaklase noong highschool at hanggang senior high, noong nag-kolehiyo na nga lang sila nagkalayo dahil sa magkaiba iyong unibersidad na kanilang pinapasukan, pero sa mga panahong iyon ay naging magkaibigan sila, iisa lang iyong barkada nila. Hindi nga niya inaasahan na nag-doktor din pala ito. Wala naman kasi sa hitsura nito na iyon ang tatahakin na kurso noong kabataan pa nila, para lang kasi itong go-with-the-flow. Kaya, laking gulat na lang niya nang malaman na doktor na ito at sumunod pa sa yapak ni Iñigo iyong kapatid nitong kasalukuyan na nasa first year college pa lang. Si Ingrid, iyong bunsong babae.
Well, lahat naman yata ng pamilya nila ay mga doktor o hindi kaya nurse. Kaya, hindi na rin nagulat doon si Arden nang malaman na pati ang mga pinsan at ibang kaanak ay parehong kurso ang tinahak.
Nang matapos ang minuto na pagda-drive ay namataan agad niya iyong restaurant na sikat ngayon, iyong restaurant ng mga Lopez na napag-usapan ng dalawa kung saan sila magkikita. Agad niyang ipi-nark iyong kotse niya at pumasok sa loob. Malugod naman siyang sinalubong ni Seb, isang crew na nagta-trabaho sa restaurant.
"Good afternoon po, Sir! Welcome po sa aming restaurant!" magiliw nitong saad. Nginitian naman niya ito saka binati pabalik.
"Good afternoon you too. . ." tumingin muna si Arden na name plate at nagpatuloy. "Seb." Saka tuluyan na tumuloy sa loob habang hinahanap ang kaibigan.
"Nasa table twelve po si Doc. Hermoso. Mga fifteen minutes lang po simula noong dumating siya," aniya pa ni Seb na ngayo'y nasa likod lang pala niya. "Nasabi ho kasi niya sa akin na pupunta kayo rito, doc. Kaya hindi na rin ako nag-aksaya nang oras na personal kayong salubongin. Idol na idol ko po kasi kayong dalawa eh." Magiliw pa nitong saad saka nagpatuloy ulit.
"Mas pogi po pala kayo sa personal, doc. No offense na lang kay Doc. Hermoso pero ang tisoy niyo po eh. Mas lamang ka lang po nang kaunti." Pagbibiro pa nito. Tumawa na lang din siya sa naging aniya ng bibong crew.
"Yeah, I was way more handsome than him." Sakay pa niya sa usapan saka ngumisi.
"Bro!" sigaw pa sa hindi kalayuan ni Doc. Hermoso. "Mas gwapo kaya ako sa'yo." Tumawa naman iyong dalawa. Narinig pala nito ang pinag-usapan. "I was tanned because someone wants me to tanned my skin." napa-isa lang iyong kilay nila pero, hindi na lang nagtanong pa.
Maybe girlfriend.
Oras ang lumipas at napahaba iyong usapan nilang dalawa. Dagdag mo pang marami-rami rin iyong ni-catch up nilang dalawa dahil ilang taon na rin silang hindi nagkita. Basically, they're talking about their old experiences during their teen years, lalong lalo na iyong napagkuwentohan nila ay iyong time na sikat na sikat pa sa school nila iyong mga banda at kung gaano sila ka-habulin ng babae.
Dati kasing kasali si Arden sa isang sikat na banda na ngayon ay 'PHICCS-XL' na ang pangalan. Noong hindi pa lang kasi ito sikat ay isa siya sa drummers ng banda. Kilala rin niya iyong ibang miyembro, si Kiel, Hans, Clevan and Clyde, lalong-lalo na si Seven. Anak kasi ng isang kasosyo sa negosyo nila Arden ang mga parents nito.
"Oo nga pala, bro. Do you have someone in your life na? Girlfriend, asawa or fling? You're life is too private. Hindi ko nga rin ini-expect na nag-doktor ka. If I didn't watched the news, I will not know." Tanong pa ng kuryosong si Iñigo. He let out a laugh and nod at him.
Agad na sumagi sa isip niya ang dalaga.
"Yes, I have someone in my heart already. I was courting her at the moment—"
Natigilan na lang siya at hindi naipag-patuloy iyong sasabihin nang makita niya iyong panauhin na pumasok sa restaurant. It was no other than, Via. And, she's with someone.
She's with a man.
Naka-angkla iyong braso ni Via sa braso ni Clark habang masayang nag-uusap papasok sa restaurant. Naurong iyong mga gusto niyang sabihin sa ka-kwentuhan.
"Bro, are you okay? Bakit bigla ka na lang natulala riyan?" Nag-aalalang tanong pa ni Iñigo at sinundan siya nang tingin.
He immediately averted his gaze. "H-Huh? Ah, yeah. I'm fine, may nakita lang. I-I mistaken it with someone I know." Aniya pa habang pilit na ngumiti. Hindi naman naging kombinsido ro'n si Iñigo dahil alam niyang nagsisinungaling ito.
Iñigo's face became serious. "She's the woman." Saad nito. Tumango na lang siya, wala naman kasi siyang rason upang magsinungaling sa kaibigan lalo na't sobrang obvious nito.
Bumuntong hininga ito at nailing. Kahit kasi sa loob ng establisyimento ay hindi pa rin lumalayo si Via sa kasama nitong si Clark na siyang mas lalong ikinasama nang loob ni Arden at mas ikina-iling lalo ng kasama, dismayadong-dismayado sa nakita.
"Bro, you should stop chasing her. She's not good for you." Walang preno na aniya ni Iñigo.
Arden didn't reply nor talk.
He, then, shook his head. "No. I will pursue her. Maybe it's just her friend." Gulat namang nanlaki iyong mata ni Iñigo.
"What the?!"
Before he could continue, he talk again. "You can't stop me, bro. Let's not be judgemental here. Baka naman kasi ay kaibigan lang niya 'yan." Pilit na depensa niya sa dalaga.
Natulala na lang si Iñigo. "You're unbelievable." He mumbled.
"Nah, he's just a friend. Trust me."
Then, he smiled at him, showing that maybe he's right. Na kaibigan lang ito. Pero, sa kaloob-looban niya ay nasaktan na naman iyong puso niya sa nakita. He knows that Via likes her boy bestfriend and seeing them now makes his heart tore into pieces.
Okay lang ako. Kakayanin ko 'to. Pinili kong masaktan, I choose to win her no matter what. Just don't look at them, Arden. Look away.
He said as he tried to fight the urge to cry because of the pain he feels.
Okay lang ako, ipikit ko lang iyong mga mata ko. Tama. I-I just need to close my eyes. . .
Even it hurts, I will just pretend that I didn't saw it.
***
When we love, we tend to ignore those red flags. We became blind, we became deaf . . . we tolerate it to save that someone in our life. Stupidity, the exact term for that. We should know our value, we should know that love can't be forced, we should know that we can't teach that someone to love us back because it is a act of foolishness.
-Dawndistinctmind