Dali-daling niligpit ni Luke ang mga pinagkainan nila para lang maiwasan ang mapanuring tanong sa kanya ni Shawie. Kung anong nararamdaman niya? Hindi niya alam. Hindi niya kasi inisip yon. Feelings were not healthy in his line of work. Putragis naman oh, kahit naman ang bagay na yan, itatanong pa rin ni Shawie? Pero infairness, mas lalong gumanda ang dalaga sa gabing iyon. Para itong aparisyon ng isang dyosa. Binilisan na niya ang paghuhugas ng pinggan at nang matapos iyon, nadatnan niya si Shawie sa sala na nagbabasa ng libro. "Magpahinga muna ako dito sandali ah." anunsyo niya pa. She glanced up from her book. "Okay." Umupo na siya sa carpeted na sahig nito saka napa squat siya na parang Indian-style. Ipinikit niya ang mga mata at huminga siya ng malalim. "Ano yang ginagawa

