Nakaupo si Sharon sa malamig na buhangin sa dalampasigan. Pero kanina pa niya napapansin na may tumutusok sa tagiliran niya. Kinapa niya ito at nalamang ang toothpick pala iyon na binigay sa kanya ni Lukass. She hadn't believe a single toothpick could be an entire disguise, but the car salesman hadn't been able to take his eyes off that sliver of wood. Nakakapangumbinsi nga naman ang toothpick, nakaka distract kasi sa kausap. Pambihira! "Lukass, saan ka ba natutong mag salita ng Ilonggo? Tunog Ilonggo kasi yong car dealer kanina." tanong niya para lang mabasag ang katahimikan nila. Deadma! Ni hindi nga siya tinaponan ng tingin nito at nakapokus lang ito sa kanina pa nitong pinapanood na binoculars. "Pinag-aralan ko kasi ang iba't ibang dayalekto sa Pilipinas." kaswal na sagot nito. She

