Hindi magkamayaw ang kabang nararamdaman ni Sharon sa mga oras na yon. Pati buong katawan niya ay nanginginig din sa takot habang mataimtim siyang nanalangin. Judass was stronger than she remembered. Even scarier. And she'd spent three years having nightmares over him. Alam niyang ano mang oras pwede siyang matangay nito kahit saan. Yong malayo kay Lukass, malayo sa taong nangakong protektahan siya. Dahil imposible na siyang makakawala pa sa kasalukuyang sitwasyon. Baka kung makawala man siya ay isa na siyang malamig na bangkay. Dahil kung hindi man nagawa nito ang pagpatay sa kanya noon, walang duda na magagawa ito ni Judass ngayon. Samantalang galit na galit naman siya kay Lukass sa binitiwang pangako nito. Wala kasi ito sa sandaling kailangan niya ito. At galit din siya sa sarili niya

