Chapter 87 Unknown Betrayal After their successful mission, Lorie came home first in their house to do something as a follow up. Si Aliyah ay umuwi naman sa mansyon nila upang imeeting ang mga tauhan nito para kunwari ay may concern talaga ito sa grupo. Kinailangan ng meeting dahil sa nangyaring pag atake nila Alexis kaya ginagampanan ni Aliyah ang tungkulin niya bilang lider ng naturang grupo. Mag-isa lang si Lorie sa bahay nila dahil ang kambal niya ay nasa condo ni Chris. Nagpaalam na ito sa kaniya kaninang umaga na hindi ito uuwi na pinayagan naman ni Lorie. Gusto kasi ng mga ito ang magkaroon ng alone time kaya hindi nalang din nag react si Lorie at hinayaan ang dalawa. Pagkarating sa bahay nila at pagkapasok sa mismong kwarto ni Lorie ay humarap siya kaagad sa laptop niya para

