Chapter 3
Courting Death
“Rovie, pakidala nga itong cheese cake at chocolate moose sa table six. Maraming salamat.” Agad naman na ginawa ni Rovie ang isinuyo sa kaniya ng kapwa empleyado kasi wala naman siyang ginagawa.
Tumingin si Rovie sa gawi ng kakambal na nasa cashier ng maiserve niya ang pagkain at nakita ang kapatid na nakakunot na naman ang noo nito. Napapailing nalang si Rovie.
Dalawang buwan na ang lumipas simula ng iwan nila ang Japan at makarating sila sa Pilipinas. Sa loob ng dalawang buwan na iyon wala silang ibang ginawa ni Lorie kundi mag-aral ng Pilipinong lenggwahe at maghanap ng trabaho para may pagkakitaan naman sila.
Hindi lang kasi sapat na umasa lang sila sa pera na dala nila at ibinilin ng mga magulang nila. Mauubos at mauubos din yun kaya di pwedeng tumunganga nalang silang dalawa at maghintay ng grasya. Mabuti nalang at may isang coffee shop na hiring na malapit lang sa apartment na tinitirhan nila. Kaya hindi masyadong hassle at magastos sa parte nila.
Nilapitan ni Rovie ang kapatid at pasimple itong kinuhit.
“Watashi wa sore o sewa shi masho u anata wa ikutsu ka no kyūsoku o toru yō ni shi masu.” (Let me take care of it. You go take some rest.)
Tumango si Lorie at iniwan ang counter na walang sabi-sabi. Rovie heaved a sigh.
What will she expect? Her sister was always like that and she's used to it.
Dahil nga pinalitan niya ang kapatid sa pwesto nito ay dumoble ang trabaho niya. Mabuti nalang at di marami ang mga customers nila ngayong araw.
Nahagilap ng mga mata ni Rovie ang kambal na kapatid na lumabas ng shop. Bigla siyang napaisip kung saan ba ito pupunta. Gusto niyang sundan ang kapatid ngunit kapag ginawa niya iyon walang magbabantay sa kahera na pinupwestuhan niya.
Lumipas ang ilang minuto ng lumapit ang kanilang manager kay Rovie at sinabihan siyang magbreak na muna sandali. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Rovie at agad na sinundan ang kaniyang kakambal sa labas.
Habang sa kabilang banda naman ay pumunta si Lorie sa isang lugar na wala gaanong tao. Hindi niya talaga hilig ang makihalubilo sa mga tao.
Masyado siyang aloof na kapag may lumalapit sa kaniya ay naiinis siya. It's already natural for her. She doesn't have to change herself just to fit or mingle with others.
“Bitawan niyo ko! Ano ba! Tulong! Tulong!” Napakunot ang noo ni Lorie ng makarinig ng sigaw mula sa isang babae di kalayuan.
Umalis siya sa pinagtatambayan niya at lumapit sa pinagmulan ng ingay.
“Tumahimik ka! Ipasok na yan sa loob ng van!” Ani ng isang lalake.
“Hey!" Singhal ni Lorie ng makita ang isang grupo ng lalake na pilit pinapasok ang isang babae sa loob. “Let her go,” matigas na saad ni Lorie na nagpangisi sa mga malademonyong kalalakihan.
Kinapa ni Lorie ang likuran niya para hawakan ang isang bagay na lagi niyang dala-dala mg lumapit ang dalawang lalaki sa kaniya.
“Mukhang gustong sumali ni Miss Beautiful. Gustong sumama sa atin,” ngising ulol ng isang lalaki na grabe kung makatingin sa kaniya.
Blangko lang ang mukha ni Lorie at di nagpatinag sa mga lalaki.
I have encounter much worse than you two. And you will end up the same fate like them. Sa isipan ni Lorie.
“You're courting death,” ani ni Lorie at hinanda ang kaniyang sarili.
Nang makalapit ang dalawa sa kaniya ay mabilis ang kaniyang galaw na inatake ang dalawa. Sa sobrang bilis niya ay animo'y isa siyang hangin na dinaanan lang ang dalawang lalaki.
In only split seconds her knife were already coated with blood. Even her shirt has a touch of blood. She also hear a scream from the lady.
“Tangina kang babae ka! Patayin siya!” Utos ng mukhang lider ng mga ito at sinugod na naman si Lorie ng mga ito.
Ngunit sandali lang iyon at bumagsak din ang mga ito sa sahig na naliligo sa sarili nilang mga dugo.
Naglakad si Lorie palapit sa van at nakita niya kaagad ang pangamba sa mukha ng lalaking ider. Bumunot ito ng baril at itinutok sa kaniya ngunit di pa man nito nakakalabit ang gatilyo ay tumarak na kutsilyo niya sa noo nito dahilan para mapatili na naman ang babaeng kikidnapin sana ng mga ito.
Lumapit si Lorie sa lalaki at hinugot ang kaniyang kutsilyo at binalingan ang babae.
“Please, huwag mo akong papatayin. Nagmamakaawa ako sayo. Please, please!” Umiiyak na pakiusap ng babae kay Lorie.
Walang emosyon na pinakatitigan ni Lorie ang babae bago nagsalita.
“Leave,” malamig niyang saad na nililinis na ang kaniyang kutsilyo.
Mabilis naman na gumalaw ang babae at tumatakbong umalis sa lugar na iyon.
Nilingon muli ni Lorie ang mga patay na katawan sa daan sinuri niya rin ang buong lugar kung may mahahanap bang bakas na maiiwan niya. Nang masigurong maayos naman ay tyaka niya lang nilisan ang lugar at umuwi sa tinitirhan nila ng kakambal niya.
Tiyak na magiging headline mamaya ang nangyari kanina. Pero wala naman dapat ikabahala si Lorie dahil alam niyang wala naman siyang iniwan na bakas. Maliban nalang kung kakanta iyong babae na iniligtas niya.
Hinubad ni Lorie ang kaniyang maduming damit at pumasok sa banyo para maligong muli. Tiyak na nag-aalala na ngayon ang kakambal niyang si Rovie. Kaya kailangan niya ng bumalik sa shop at ipagpatuloy ang trabahong naiwan niya.
She doesn't want to worry her sister so much. Masyadong paranoid ang kapatid niyang iyin at nagiging OA ito.
Matapos makapagligo ay agad na nagbihis si Lorie at handa ng umalis muli ng mabungaran ang kapatid sa sala nila at prenteng nakaupo sa sofa.
“Rovie? Itsu ie ni kae~tsu ta no desu ka?” (When did you get home?) Gulat na tanong ni Lorie sa kambal.
Isang malamig na tingin ang ipinukol ni Rovie kay Lorie.
“What did you do to those men, Lorie?” Kalmadong tanong ni Rovie sa kambal na napipilan.
“I did what I have to do. They were trying to harm the lady and I couldn't just sit back there and watch. I have to do something,” pagtatapat ni Lorie na nagpangiti naman kay Rovie.
“You really can't hide anything from me? I'm glad that you told me the truth Lorie. I saw everything. I was there. I followed you,” Rovie, bursted to laughter in front of Lorie.
Kinabahan si Lorie doon ah. Loko talaga ang kapatid niya kahit kailan.
“You!” Akmang susugurin ni Lorie ang kakambal ng tumigil na ito sa pagtawa at sumeryoso na naman.
“Just don't do it again Lorie. What if someone see you? I don't want to lose you. You're my twin sister and I also want you safe and sound,” malungkot na saad ni Rovie na nagpangiti naman kay Lorie.
No one can make her smile the way her twin sister does.
Niyakap nalang ni Lorie ang kapatid dahil sa kadramahan nito.
“I can't promise you that it won't happen again. But I will try my best to avoid it, okay?” Lorie reassuring her twin sister.
Rovie nodded her head and hugged her twin even tighter.
--
“Hindi namin nadakip ang anak ni Mr. Gustavo, sir Chris. May pumatay sa lahat ng tauhan natin na dudukot sana sa anak ng drug lord,” pagrereport ng isang tauhan nila. Nakayuko ito habang ibinibigay ang impormasyon kay Ryuk.
“Nakilala mo ba kung sino ang taong iyon?” usisa ni Chris sa tauhan na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.
“Hindi. Walang nakakaalam kung sino ang pumatay sa ating mga tauhan. Walang naiwan na bakas sa naturang lugar at tanging ang sasakyan lang at mga patay na katawan ang naroon. Ngunit kapag nadakip natin ang anak ni Gustavo ay tyaka lang natin makikilala ang salarin dahil naroon ito sa pinagyarihan,” mahabang sagot ng tauhan na nagpatango kay Ryuk.
“Ipagpaalam ito sa iba. Sabihin mo na dapat ay mapagtagumpayan na nila ang pagdukot sa anak ni Gustavo. Malalagot tayo sa mga opisyal kapag nakarating sa kanila ang report,” pag-uutos ni Ryuk na siyang binigyang galang naman ng tauhan.
“Sige sir.” At umalis na ito bago nagbigay galang sa kaniya.
Naiwan namang napapaisip si Chris.
Kung sino ka man ay hindi pangkaraniwan ang lakas at katangian mo. I must find whoever you are. You could be a great help to our organization. Ani Chris sa kaniyang isipan.