"Sigurado kana ba sa desisyon mo, Lorie? I mean what if mapahamak na naman tayo? Hindi natin alam kung ano ang meron sa lugar na iyan at kung delikado ba o hindi." Pagpigil ni Rovie sa kambal na nagbabalak na pumasok sa isang gusali na hindi nila sigurado kung naroon nga ba ang sinasabi ng nagtext sa kanila kanina. Ayaw talagang pumunta ni Rovie ngunit mapilit ang kambal niya at hinatak siya nito patungo sa lugar na iyon na walang kasiguraduhan. Kapag iyon ay isang patibong lang ay wala na silang magagawang dalawa kundi ang tanggapin ang magiging kapalaran nila. "Stop being so negative, Rovie. We are here at some point to discover something and get that damn thing out of here and bring it home." Pagsita naman ni Lorie sa kambal dahil nawawala siya sa focus. Kapag ganyan pa naman ang kap

