Chapter 66 Secrets Unfold Kasalukuyang naglilinis si Lorie ng kaniyang kwarto at nagligpit ulit ng mga gamit niya dahil may hinahanap siyang isang bagay na hindi niya maalala kung saan niya nailagay. Pinagkakalkal niya mula pa kanina ang mga gamit niya ngunit wala siyang makita hanggang sa tuluyan na ngang nagulo ang kwarto niya. Kaya ngayon ay nagliligpit at naglilinis na naman siya dahil sa ginawa niyang kalat. “What happened to your room, sis?” gulat at nagtatakang tanong ni Rovie sa kambal ng makapasok siya sa kwarto nito. “I was trying to look for something and I forgot where I out it. I misplaced it and it slipped my mind. Haist!” naiinis na tugon ni Lorie sa kapatid at nagpatuloy sa pagliligpit. “Ano ba kasi hinahanap mo sis?” curious na tanong ni Rovie at tinulungan ang kapat

