Kaharap ko si Ma’am Jenny habang nagkukwento siya tungkol sa mga binalita sa kanya ng mga teachers sa university. Siguro ay tuwang-tuwa siya sa malaking pagbabago ni Allen. Napaisip tuloy ako kung ano ang nagbago sa kanya gayong katulad pa rin naman siya sa Allen na nakilala ko, maliban nga lang sa madalang na pagdala niya ng mga babae. Hindi ko na rin siya nakikitang nakikipagharutan sa mga babae. Parang sa isang pitik lang ay nagbago ang lahat. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa mga babae niya at bigla na lang itong nagbago. “Gaya nga ng laging sinasabi ko sa ‘yo, Becca, nagpapasalamat ako sa pagrating mo. Sa tingin ko ay dinala ka sa ‘min ng may kapal para tulongan bumalik ang dating Allen.” Who will change who? Minsan natatanong ko rin ang sarili ko kung talaga bang isa ako sa mg

