CHAPTER 19

1511 Words
‘Steps to Get to Know Allen Fuentabella’ Napatitig ako sa hawak kong notebook habang iniisip ko kung paano ko nga ba maibabalik ang dating Allen Fuentabella at naisip ko bago ko ‘yun gawin ay kinakailangan ko munang malaman ang tunay na ugali ng isang Allen Fuentabella. Hindi naman mahirap ‘yun dahil nasa iisang bubong lang kami at nasa iisang eskwelahan. But we are not close enough para makilala ko siya ng lubusan. “What are you doing?” agad kong isinirado ang notebook ko saka ko hinarap ang may ari ng boses na ‘yun. “Ethan!” I exclaimed. “Bakit gulat na gulat ka?” natatawang tanong nito saka tiningnan ang hawak kong notebook. Agad ko naman itong nilagay sa loob ng bag ko at ngumiti sa kanya. Nandito kami ngayon sa campus habang hinihintay ang susunod na teacher na ‘min. Katatapos lang 30 minutes health break na ‘min at nanatili lang ako sa loob ng classroom. Halos lahat sila ay pumunta ng canteen at ngayon ay halos nagsisibalikan na rin ang iba. “May tinatapos lang ako.” Sagot ko at kinuha ang isang libro na ‘min at nagkunwaring nag-aaral kahit ang totoo ay lumilipad na naman ang utak ko sa mga gagawin kong hakbang para mapalapit kay Allen. Don’t get me wrong, hindi ko siya type at mas lalong hindi ako nagpapapansin. I just want to do my job para sa parents ni Allen para wala silang masabi. Baka sabihin nilang wala akong ginagawang hakbang para bumalik ang dating Allen na kilala nila. “Talaga? You want me to teach you. Matalino ako.” Pagmamayabang ni Ethan kaya tiningnan ko siya ng masama. Isa rin ‘to si Ethan, masyado na siyang nagiging feeling close sa ‘kin. Hindi pa rin siya masyadong nakikipagsocialize sa iba naming classmates at madalas ako ang kasama niya o minsan naman ay ‘yung mga ibang seniors na kakilala niya. “Yabang..” tumawa siya kaya sinimangutan ko lang siya. Simula pa lang nong unang araw ko sa university ay siya na ang palagi kong nakakausap, siguro dahil kami ang palaging magkatabi at mas nagkakaintindihan kami sa iilang bagay. Para bang nakita ko ang lalaking version ko. Hindi ko itatanggi na kahit madalas niya akong kinukulit ay mabait pa rin sa ‘kin si Ethan. Pinagtatanggol niya ako sa mga kaklase na ‘min na walang ibang ginawa kundi e-bully ako. Yeah, kahit sa college ay may mga tao talagang mga bully, ‘yung tipong lalaitin ka nila dahil hindi ka naman tulad sa kanila na mga anak mayaman. “Kumain ka na ba? I brought you this.” Nilabas niya ‘yung dala niyang burger at isang juice. He’s really generous and kind. Halos araw-araw niya akong binibigyan ng pagkain at ng kung ano-ano. Para siya nga ang naging guardian angel ko sa araw-araw na magkasama kami. “Thanks but no thanks. Kumain na ako kanina.” Palagi niya na lang kasi akong nililibre kaya minsan talaga napapagkamalan akong pulube. Kaya ko naman kasing kitain pero hindi nga lang singlaki ng mga allowance nila. You know, life is unfair. May mga tao na sobra-sobra ang biyaya pero nagagawa pa ‘ring mainggit sa iba, meron ring halos wala ng makain pero nagagawa pang magbigay sa iba. Ethan has a good heart and sa ilang buwan na magkasama kami ay nakita ko kung gaano siya kabait. Ang pinagtataka ko lang ay bakit umabot sila ni sir Allen sa ganito? Kung babae lang, marami namang ibang babae dyan bakit kailangan nilang mag-away at nahantong pa talaga sa pagkasiraan nila? Haist! Minsan talaga mas magulo ang mga lalaki. Hindi mo alam kung anong takbo ng utak nila. Simpleng-simple lang naman ang problema pero big deal sa kanila. Psh! Hindi palaging ang babae ang may deperensya dahil minsan pati rin mga lalaki may kanya-kanyang issue rin sa buhay. “I insist.” Pigil niya sa ‘kin nang ibabalik ko sana sa kanya ang bigay niya sa ‘king pagkain, “Pumapayat kana. Baka sa susunod na lingo hindi na kita makita sa Psyc Department.” Napanguso ako sa sinabi niya saka ko tinanggap ang bigay niyang pagkain. Hindi dahil sa nagugutom ako kundi para matapos na ang pangungulit niya. “Wala naman sigurong gayuma ‘to, noh?” biro ko. “Asa! Hindi ko kailangan ng gayuma para magustohan mo,” sabay kindat niya sa ‘kit saka ako umasta na parang nasusuka at sabay kaming natawa. Napangiti ako, hindi ko akalaing ganito na pala kami ka close at hindi ko na lang namamalayan na masyado na kaming kampanti sa isa’t-isa. “Psh. Hindi ako magkakagusto sa kahit sinong lalaki –“ “Wag kang magsasalita ng patapos, Becca. Iba rin tong kamandag ko.” sabay kaming natawa sa biro niya. Lalong tumatagal ay mas napapalapit ako kay Ethan dahil bukod sa matalino ito ay mas nakikilala ko ang makulit na version nito. “Advance lang akong mag-isip. Ayokong ma-inlove dahil ayokong problemahin ang isang bagay na kahit ang science ay hindi kayang ipaliwanag.” Seryosong sagot ko at nakita ko siyang tumango na para bang naiintindihan niya ang paliwanag ko. Hindi naman sa gusto ko siyang sumang-ayon sa ‘kin, ang gusto ko lang makita niya na hindi ako interesado sa mga ganong bagay. “Paano kung ligawan kita?” napakunot ang noo ko sa sagot niya. Ligawan? Hindi sumagi sa isip ko ‘yun. Ethan and I? Undefined! “Stop it. Hindi uubra sa ‘kin ang mga ganyang moves mo, Ethan.” “Why? Hindi naman ako ganito sa ibang babae ah. Only to you.” Parang naging slow motion ang lahat at nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko habang ako naman ay seryosong nakatitig sa kanya. Gwapo si Ethan at hindi ko naman tinantanggi ‘yun. Kung si Allen ay gwapo na may pagka bad boy, si Ethan naman ‘yung gwapo na good boy look. “Stop it. We’re friends, Ethan. Gusto kong magfocus sa pag-aaral and nothing more.” Saka ko binalik ang paningin ko sa librong binabasa ko. Ang totoo niyan ay nahihiya ako kay Ethan sa mga pinagsasabi ko dahil hindi naman ako kagandahan and I have darkest past na hindi niya alam at ayokong malaman kahit sino man. Ayokong may ibang masaktan kaya mas mabuting sarilinin ko na lang. “What wrong, Becca? May mali ba sa ‘kin? You’re single and I’m single. Bakit hindi mo man lang ako mabigyan ng chance.” OA na dugtong nito na akala mo ay talagang pinagtutulukan ko siya. “Seriously, Ethan? ‘Wag ka ngang magbiro ng ganyan –“ saka ito biglang tumawa saka tinuro ang mukha ko. “What?” “Nakakatawa ang reaksyon mo! Talagang babastedin mo ako pag nangligaw ako sa ‘yo? I’m Ethan Montemayor at halos lahat ng mga babaeng pinupormahan ko ay nagugustohan ako. Ngayon napapaisip ako kung anong mali sa ‘kin?” Nope Ethan, anong mali sa ‘kin? Gusto kong ibalik sa kanya ang tanong. “Edi dun ka sa kanila. Bakit mo ‘ko dinadamay sa kalokohan mo?” inis na sagot ko. Anong trip niya? Marami ngang nagkakagusto sa kanya hindi niya naman kinakausap, ‘yan tuloy at ako palagi ang napagdidiskitahan ng mga fans niya. Psh! “I’m just kidding, Rebecca. Di ka naman kasi mabiro pagdating sa ganyan.” “Ikaw kasi –“ Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napahinto ako sa pagsasalita. Medyo hindi pa rin ako sanay na may cellphone kaya minsan nakakalimutan ko na lang ito kahit saan kaya palagi akong napapagalitan ni sir Allen. Ngayon lang talaga na nilagay ko siya sa bulsa ko para kung may tumawag o magtext man lang ay mabilis kong malalaman dahil bigla na lang itong nagvi-vibrate. Well, sino pa nga ba ang magtetext sa ‘kin eh si Allen lang naman ang may number sa ‘kin. Wala pa naman akong binibigyan at wala rin sa vocabulary ko na makipag-textmate. Uso pa ba ‘yun? ‘Sabay tayo mamaya. I’ll wait in the parking lot.’ – A. Biglang nagflashback sa ‘kin ‘yung sinabi sa ‘kin ni Belle nung nakaraan. “Call girl..” Psh! Kung hindi ko lang siya amo ay talagang hindi ko papansinin ang text niya. On the otherhand, makakatipid rin ako ng pamasahe pag sasabay ako sa kanya. I hit the reply button saka ako nag-reply. ‘Okay.’ – Sent! “May bagong cellphone ka pala. That’s good. Ikaw lang kasi ang nag-iisang kakilala ko na walang cellphone o kahit anong gadget dito sa university. I don’t know if its normal nowaday.” Tumawa si Ethan sa tabi ko habang nakatingin sa cellphone na hawak ko, “Anyway, can I get your number?” nakangiting tanong nito saka ko inabot sa kanya ang cellphone ko para e-save niya ang number niya. “Call kita, ‘yan ang number ko.” sabi ko saka niya naman sinave ang number ko na nagflashed sa screen niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD