CHAPTER 11
Third Person Point of View
Flashback Chapter 8
Nakatitig lang si Allen sa mukha ni Becca ng makalabas ito sa kwarto niya. Kararating niya lamang galing sa condo niya ng maabutan niya si Becca na pawis na pawis habang palabas sa kwarto niya. Makikita mo ang takot sa mukha nito na siyang mas nakapag-alala sa binata.
"Aalis na po ako.."
"Wait," pigil niya sa dalaga at tiningnan ang mukha nito. Nakita niya sa mata nito ang takot at lungkot. Hindi niya mapigilang humanga sa maamo at magandang mukha ng dalaga habang nakatitig rito. Bumaba ang paningin ng binata sa kamay nito, "Hey, relax! You are shaking."
"I'm sorry, Sir. May nakita kasi akong ipis--"
I doubt that..
Alam niyang nagsisinungaling ang dalaga pero hinayaan niya lamang ito. He knows that Becca has another untold story and he will not force her to tell everything to him. Hindi niya ugaling magtanong sa kwento ng kahit sinong babaeng nakilala niya, except Becca. She’s different dahil hindi naman siya naging babae ng binata. ‘And she will never be.’ Sabi niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng gabing 'yun ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ng dalaga ng lumabas ito sa kwarto niya. Tila ba hinahabol siya nito sa tuwing natutulog siya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa dalaga dahil kahit kanino ay hindi niya ito naramdaman, kahit kay Maxine. What he felt from every woman that he bangs was just full of lust and nothing more.
He still remember the reason why he choose to be back again in school. Isa sa naging rason niya ay nacha-challenge siya sa katulong nila na si Becca. Una niyang nakita ang dalaga sa apartment ng dating katulong nila. Dati ay tumatambay din siya sa apartment na 'yun at eksaktong nakita niya si Becca. Hindi pamilyar ang dalaga kaya alam niyang bagohan lang ito sa lugar nila. Sa mga babaeng nakilala nito sa bayan nila ay tanging si Becca lang ang natatanging babaeng nakakasagot sa mga tanong na binabato niya at sa mga debate na ginagawa nila. Lahat ng mga babaeng nakikilala at nakakasama niya sa kama ay puro makikitid ang utak at palaging sila ang nasusunod. Unlike Becca. Napailing na lamang ang binata.
Ikalawang pagkikita nila ay sa mismong mansion nila. Mas lalong lumaki ang curiosidad niya sa dalaga lalo pa at nakitaan niya ito ng potensyal. Marami siyang nakilalang babae at si Becca ang namumukud tanging babae na nakilala niya na matalino, maganda, tahimik at maraming alam sa gawaing bahay. Mas lalong nakuha ang atensyon nito nang masubukan niya ang talino ng dalaga ng minsang nagkasagutan sila sa pinagkaiba ng Psychologist at Psychiatist. Ang dating girlfriend nito ay talagang walang alam pagdating sa pag-aaral.
"You looked so good, honey.." ungol ni Maxine na ngayon ay nakaibabaw sa kanya.
Still, he can't resist this woman. Magaling sa kama si Maxine at hindi niya matatanggi ito. But it will never be the same again. Maxine was his girlfriend before kaya lang nagkahiwalay sila ng mahuli ni Allen na may ginagawang kababalaghan si Maxine at ang bestfriend nitong si Ethan.
“F**k me hard, honey.” Wika ng binata saka tiningnan ang kabuohan ni Maxine. He thought na si Maxine lang ang one flavor of his entire life pero nagkamali siya. Niloko siya nito and worst ay ginawa niya pa ito sa bestfriend niyang si Ethan. Well, he never love Maxine, he just love f**king her that is why he stick to her but when he found out about Ethan and Maxine, it changes his perspective. He feels betrayed by his friend and his f**kin’ buddy. Kaya naman mula noon ay nagiging babaero siya. Totoong natapakan ang pride niya sa ginawa ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya.
“Come for me, Allen. Please.” She begged. Tiningnan niya ang mukha nito pero hindi niya magawang labasan. Darn it! Pinikit niya ang mata niya at nakita niya ang maamong mukha ni Becca.
“F**k!”
“Open your eyes, honey.” Mas lalong binilisan ni Maxine pero hindi minulat ng binata ang mga mata niya saka sunod-sunod ang mga imahe ni Becca sa kanyang alaala. Ang mga ngiti nito, ang naiinis na mukha nito sa tuwing pinagti-tripan niya ito, sa tuwing nakikita niya itong mag-isa, at iba pang emosyong ng mukha ng dalaga ang nakita niya.
“Oh, God!” ungol ng binata saka ito sumabog.
Ilang minuto silang nanatili sa ganong posisyon. Nasa ibabaw si Maxine habang ang binata ay nakahiga lang habang hinahabol ang hininga nito. That was amazing! She never fails to make him c*m.
“Sinong iniisip mo?” nagtatampong tanong ng dalaga habang inaayos ang sarili niya. Humarap siya sa binata at tinaasan ng kilay ang binata, “Sa tingin mo ba hindi ko napansin ang pag bago ng takbo ng katawan mo, ha, Allen? We’ve been f**king for years at kilalang kilala ko na ang katawan mo. Now, tell me, sino ang babaeng tumatakbo sa isip mo?”
Yes, she’s right. Sa lahat ng babaeng naikama ng binata ay tanging si Maxine lang ang nakakakilala sa kanya. Of course, hindi niya sasabihin ang totoo rito dahil paniguradong maghihistirikal ito. Kilala ni Maxine ang mga babae nito at wala namang problema ito sa kanya dahil alam naman ng dalaga na tanging siya lang ang makakagawa ng kakaibang sarap sa binata ngunit nagbago ito nitong mga nakaraang buwan dahil alam niyang palaging wala sa sarili si Allen. Sa tuwing ginagawa naman nila ito ay pinipikit ng binata ang mga mata nito na siyang hindi niya naman ginagawa sa ilang taon na magkasama sila.
*
(Back to Reality)
“Allen, nakita mo ba si Warren?” tanong ni Zack. Ngayon ang Aquintance party nila at magkasama silang dalawa habang hinahanap ang isa pa nitong kaibigan. Apat silang matalik na magkaibigan kaya lang ay nagkawatakwatak sila nong nangyari ang kay Ethan at Allen. After the incident ay halos hindi na halos magkita ang magkakaibigan, but they are still friends.
“Maybe he’s with Ethan.” Bored na sagot ni Allen saka nilibot ang paningin niya sa buong lugar. They made this party possible. Ilang araw rin siyang naging busy dahil sa event at halos hindi na siya nakakausap ng mga babae niya.
“Hey, Allen. It’s been a while.” Ngumiti sa kanya ang isang schoolmate nila na nakalimutan niya na ang pangalan. Minsan niya rin itong dinala sa condo niya at naka three*ome niya pa ito with Maxine. He smirked.
“Missed me? Wanna hang out?” he asked saka hinapit ang bewang nito. Agad namang napasipol si Zack at napailing.
“No, honey.” He smiled. Halos lahat ng naging babae niya ay honey ang tawagan nila kaya rin siguro halos hindi niya matandaan ang mga pangalan nito, “You can go to Maxine. She’s waiting for you.”
Naaaaa.. Nag away sila kanina ni Maxine dahil lang sa pumikit siya ng labasan ito. Hindi naman big deal para kay Allen ‘yun pero halos hindi siya tinigilan ng dalaga. Wala naman silang relasyon pero kung umasta si Maxine ay akala mo ay isa siyang gamit na pag-aari nito. Umiling nalang ang binata saka nagpaalam na umalis naman ang dalaga.
“You can’t get over with that woman, huh?” pagtutukoy ni Zack kay Maxine. “You tasted every woman in our school but you always go back to Maxine. Ganyan mo ba siya ka-mahal?” tanong ni Zack.
“Old habit, die hard.” Sagot nito at ngumiti ng makitang may papalapit na babae sa direksyon nila. “Hi, honey.”
“Hi, Allen.” Sagot ng babaeng lumapit sa kanya. Sa tingin niya ay kaklase niya ito sa isa sa mga subject nito.
“Yes, honey? What can I do for you?” saka inabot nito ang kamay ng dalaga ang hinalikan ito. Napailing na lamang si Zack saka nagpaalam na hahanapin muna si Warren at Ethan. Good thing dahil ito naman talaga ang gusto ng binata. Ayaw na ayaw nito makasama o makita man lang si Ethan. Hindi naman sa galit pa rin siya rito, sadyang ayaw niya lang makausap at makasama ito sa iisang lugar.
“Nakita mo ba si Becca?” nawala ang ngiti ng binata ng marinig ang pangalan na ‘yun. Naalala niya na inutusan sila ni Becca na mag-assist sa party at manatili sa hotel pero hindi niya ito pinuntahan. Hindi niya yata kayang manatili sa loob ng isang kwarto kasama ang babae nang walang ginagawang kababalaghan.
“I never seen her.” Saka nito nilibot ng mata niya ang paligid at eksaktong nagtama ang paningin nila ni Becca.
“There she is.” Saka nito tinawag ng babaeng kasama niya si Becca. Agad namang lumapit ang dalaga sa pwesto nito at tila naging slow motion ang nangyari at nanatiling nakatitig lang ang binata kay Becca na papalapit sa kanila. She’s wearing a white long dress, mahaba at kulot ang buhok nito, hindi rin makapal ang pagkakamake-up rito at mas lumutang ang kulay brown na mata at kilay nito. Kung titingnan mo ang dalaga ay para itong Amerikana dahil sa kulay ng kutis nito pati na rin ang kulay ng buhok at mata nito.
“You’re beautiful,” ‘She’s more than that.’ Sa isip ng binata ng magsalita ang katabi nitong babae. Now, naalala niya na kung sino ang babaeng lumapit sa kanya. Isa pala ito sa mga senior nila na na-assigned rin sa event. Bakit nga ba hindi niya agad nalaman ang pakay nito, “Kanina ka pa na ‘min hinahanap, di ba Allen?” saka sila lumingon sa direksyon ng binata at agad naman iniwas ng tingin nito sa iba.
“Where have you been, Becca?” tumikhim ito at saka muling sinulyapan ang dalaga habang nakapamulsa. “Kanina ka pa nila hinahanap.” Totoo naman dahil halos lahat sila hinahanap si Becca. Muntik na nga siyang mainis dahil palaging siya ang hinahanapan ng dalaga gayong hindi naman sila halos magkasama.
“I’m sorry, S—Allen.” Tiningnan siya ng binata, “Nasa taas kasi ako kanina at inaayos ang gamit ko bago umuwi.” Tuloy nito.
“What? Uuwi ka na? Hindi pa nga nagsisimula ang gabi and look at you,” saka umikot sa nakatayong si Becca ang kasama nilang si Camille at tiningnan ang kabuohan ng dalaga. “You looked perfect. You have to enjoy the night. Go with Allen. Sometimes its good to have fun, Becca.” Nagkatinginan si Becca at Allen saka sabay na nag iwas ng tingin.
“May nasabi ba akong mali? Anyway, I need to go. Becca, you don’t have to go. You should enjoy the night. Don’t worry at tapos na ang lahat ng kailangan mong gawin. Thank you, Becca. Maaasahan ka talaga.” sabi ni Camille bago tuluyang umalis at naiwan si Becca at Allen na nakatayo malapit sa entrance.
Tahimik lang ang dalawa habang binabati ang mga schoolmates at classmates nila na papasok sa loob ng party. Nakaramdam ng pagkailang si Becca pero pinanatili niyang tahimik at walang imik silang nakatayo habang hinhintay matapos ang gabi.
“This is boring..” narinig nitong bulong ni Allen. “You should stay here, Becca. Don’t go anywhere. Sabay tayong uuwi.” Tatanggi sana ang dalaga pero inisip niyang mas mabuti ‘yun dahil makakatipid siya sa pamasahe.
“Okay po.” Aalis na sana ang binata ng eksaktong pumasok si Maxine at lumapit rito.
“Honey,” yumakap ito kay Allen. “Muntik na akong hindi umabot. Naligaw pa ako.” Tiningnan ni Allen si Maxine and he knows better. This dirty s**t ay paniguradong may pinuntahan na namang ibang lalaki. Napangisi naman ang binata.
“At saan ka naman napadpad, hon? Iisang lugar lang naman ang pupuntahan na ‘tin at kilala rin ang lugar na ‘to sa mga Taxi driver.” She smiled sweetly.
“You know what, honey, hindi ako masyadong gumagala at hindi ako pamilyar sa lugar na ‘to.” Pagsisinungaling ng dalaga.
“Sampong taon ka na sa bayan na ‘to, hon. Hanggang ngayon naliligaw ka pa rin.” Malamig na sagot ni Allen. Hindi man sinasadya ay naririnig ni Becca ang pinag-uusapan ng dalawa. “You know what? Let’s just appear sweet in front of the others and stop talking to each other. We might as well just french kiss on the table or something. Parang mas mabuti ‘yun kaysa mag-usap tayo.” Narinig ni Becca na kinilig si Maxine kaya napanganga na lamang ang dalaga nang umalis sila.
“Hindi ba siya nainsulto sa sinabi ni Sir Allen?” bulong ng dalaga at umiling na lamang.