Napatitig ako sa mukha ni Allen. Ang kanyang magulong buhok, matangos na ilong at mapupulat at maninipis na labi ay talaga nga namang nakakaakit sa mga babae niya. Naappreciate ko naman ang itsura ni Allen at hindi naman ako bulag para hindi makita 'yun. Halos buong araw ko siyang hindi nakita sa eskwelahan hanggang sa pumasok ito sa classroom na ‘min kanina habang nag-uusap kami ni Ethan. Talaga bang nakabantay siya sa ‘kin? Sana pala naging body guard na lang siya. “May tinanong lang siya.” Nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong makita niyang sing pula ng kamatis ang mukha ko. Bigla tuloy akong nailang. Nakaligtas nga ako sa pag-uusap na ‘min ni Ethan kanina tapos ngayon naman ay hindi pa rin ako tinatantanan ni Allen. Bakit ba gusto niyang malaman kung anong tanong ni Ethan kanina? Hin

