Second year college na kami at masasabi kong hindi madali ang nagdaang buwan na nagdaan. Tahimik lang ang takbo ng buhay ko siguro dahil umiwas na ng tuluyan sa ‘kin si Allen. Ako nalang mag-isa sa condo niya at paminsan-minsay ay pumupunta siya sa condo pero kasama niya naman sila Warren and Zach. Minsan din nag iinuman sila sa music room pero pagkatapos ng practice nila ay talagang umaalis si Allen at hindi siya nagpapaiwan sa condo kahit sabihin pa ng kaibigan niya na manatali siya. He insist to go home everytime na nasa condo sila. Minsan nga nahihiya na ako dahil hindi na natutulog sa unit niya ang may ari rito. Mas naging malapit na rin kami ni Ethan ngayon at talagang masasabi ko na kahit wala kaming relasyon ay para paring may relasyon kaming dalawa dahil palagi kaming magkasama,

