CHAPTER 2
Nakapasok na ako sa gusali ng nursing building ngunit kanina pa ako palinga-linga pero wala naman ang mayabang na mokong na iyon.
Room 321, 322, 323?
Tatlong kuwarto lamang ang naroon sa ikatlong palapag ng gusali na iyon. Nag-aalinlangan akong lumapit sa pintuan ng unang kuwartong natapat sa akin.
Naningkit ang mga matang inaaninag ko ang mga pangalan na nakasulat sa nakadikit na papel dahil may kalabuan ang aking mga mata. Sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko na kunin ang eye glasses ko.
“Nandito naman pala si Miss beautiful eh.”
Isang pamilyar na tinig ang mula sa kung saan ay narinig ko at kahit na hindi ako lumingon ay batid ko kung kaninong tinig ito.
“Ikaw!Panget, kapag ‘di mo pa ibinalik sa’ akin ‘yan ay malalaman mo na talaga ang hinahanap mo,” dinuro ko ito sa noo ngunit ngumiti lamang ito.
Binalewala ko na lamang iyon.
Dinig ko ang tilian ng mga kababaihan na bigla na lamang ay nagsulputan sa kung saan.
“Sino ba ‘yan ay! Bakit n’ya ba dinuduro si Winston ko?”
Naulinigan kong tanong ng isang babe.
Nakatingin ito nang masama sa akin kaya napilitan akong ibaba ang daliri sa tagiliran ko.
“Kung hihingi ka ng tawad sa pagbato mo ng bola sa guwapo kong mukha ay ibibigay ko naman talaga sa iyo ‘to eh,” binasa pa nito ang mga labi nito at nagpa-cute.
“Naku! Winston itigil mo na ‘yan dahil mukhang ‘di ka naman gusto ni Miss beautiful eh,” sabat ng lalaking payatot na nakasalamin na nasa likuran ng tinawag na Winston.
Ang pangit ng pangalan. Naisip ko pagkaraan. Nilingon naman ito ni Winston at tinitigan nang matalim.
“Hoy,ikaw! Manahimik ka muna d’yan dahil kung hindi –“ ibinitin nito ang sunod na sasabihin at bumaling sa akin.
“Miss, humingi ka na lang Kasi ng tawad sa akin at ibibigay ko naman talaga sa’yo ‘to eh,” itinukod nito ang kamay sa pader at inilapit ang mukha sa mukha ko.
Narinig ko ang muling tilian ng mga kababaihan kaya naman kagat ang mga labing naningkit lalo ang mga mata ko at hinarap ito.
“Bakit ba ako pa ang kailangan humingi ng tawad sa’yo ha, panget?”
“Aba, matapang ka talaga ha?” kinuha nito sa bulsa ang I.D ko at nagsindi ng lighter at akmang susunugin iyon.
“Huwag!” hinablot ko iyon ngunit mas mabilis nitong itinaas iyon.
“Sino ba kasi ‘yan?”
“Bakit ba sobrang dikit n’ya kay Wins ko?”
Iyon ang mga boses na narinig ko at bulung-bulungan ng mga magaganda, gayon na rin naman ang mga nagmamaganda sa paligid namin.
“Winston o Wins o kung sino ka man, okay sorry. Ayos na ba?” nakasimangot kong tanong rito. Itinaas ko ang kilay at tila hindi pa ito kuntento sa sinabi ko.
Maya maya ay dinukot nito ang I.D sa bulsa at hinalikan muna iyon bago inabot sa akin.
“Akin na nga ‘yan, manyak,” nakasimangot ko itong kinuha at natatawa itong kumindat pa bago tuluyang tumalikod sa akin.
Saktong 9:15 a.m at tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Sinulyapan ko muna ang hawak na I.D at sa pagkamangha ko ang room na pinasukan ng mayabang na iyon ang room ko mismo.
Kung minamalas ka nga naman. Akala ko ay mas senior ito sa akin dahil mas mukha naman na mas matanda ito sa akin, magkaklase pa pala kami.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok doon.Napatigil ang mga maingay at nagkakantiyawang mga estudyante sa pagpasok ko na pinangungunahan nito. Isang nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa akin.
“Ang suwerte mo naman Miss beautiful magkaklase pa pala tayo. Dito ka na lang sa tabi ko,” inilapit nito sa akin ang upuan.
Akmang kukunin ko na iyon nang bigla nitong bawiin.
“Dito pala si Shanti.Sorry doon ka na lang,” ngumisi ito sa akin at nagtawanan naman ang mga katabi nito.
Ipinagkibit ko na lamang ang balikat ko dahil wala naman saysay na patulan ko pa ito.Halata namang ksp ito o kulang sa pansin.
“Dito ka na lang Miss,”
Sa awa naman ng diyos ay may nagbigay sa akin ng upuan at isang lalakeng clean cut ang buhok, matangkad at nakasalamin ang nag-alok sa akin.
‘Di hamak na mas mukha naman itong matino na katabi ko kaysa lalaking abnormal na si Winston.
“Salamat,” isang simpleng ngiti ang ibinigay ko rito at narinig ko sa likuran ang patutsadahan ng mga ito.
“Asus,” tinig iyon ni Winston.
“Hayaan mo na lang sila,” bulong ng lalakeng katabi ko.
“Ganiyan talaga ang mga ‘yan dito,” dagdag pa nito.
“Hoy, kayo d’yan anong binubulung-bulong mo d’yan kay Miss beautiful?” sinipa nito nang mahina ang upuan namin.
Napipikon naman na nilingon ko ito.
“Pake mo ba?” mataray kong sagot dito.
Hahaba pa sana ang sagutan namin ngunit mabuti na lamang at dumating na ang guro namin kaya’t nanahimik na rin ito.
Isang ngiting nakakaloko ang ibinigay ko rito bago bumaling sa aking harapan.
“Okay class, good morning. My name is Mrs. Chavez. Ako nga pala ang major subject prof n’yo and this is our first day of class,” panimula nito at tahimik lamang ang lahat na nakikinig.
“ Is it okay with you kung magsimula tayo sa pagpapakilala muna sa ating mga sarili?”
Walang sumasagot dahil tila naman nahihiya ang lahat nang mula sa aking likuran ay nagsalita si Winston.
“Ayos lang po kay Miss beautiful po tayo magsimula,”
Nanlaki ang mga mata kong bumaling rito at isang ngiting nakakaloko ang isinukli nito sa akin.
“Naloko na,” sigaw ng isip ko.
Pahamak ka talaga. Hindi pa naman ako prepare tapos nakakahiya, ako pa magsisimula.
“Please come forward, Miss?”
“Daniella Ruiz Ma’am,”